LUNGSOD NG DAGUPAN , Pangasinan
Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)- Region 1 sa publiko na mag-ingat sa mga online fixer na nag-aalok ng madaliang access sa PhilHealth IDs at member data records (MDRs) at nagpapabayad. Pinaalalahanan ni Joseph Manuel, head ng Public Affairs Unit ng PhilHealth-Regional Office 1 ang lahat na ang mga serbisyong ito ay libre at hinimok ang mga tao na huwag makipag-transaksiyon sa hindi awtorisadong mga indibiduwal. “May mga na-monitor po kami nag-aalok online, na nag ooffer ng kanilang services at naniningil ng P200 to P500 para mas mapabilis ang kanilang pagkuha ng MDR at PhilHealth ID,” ani Manuel.
Ipinaliwanag ni Manuel ang maging miyembro ng PhilHealth ay simple: bumisita lamang sa kanilang opisina, punan ang rergistration form, at magbigay ng mga valid document gaya ng birth certificate o anumang inisyu ng gobyerno na ID upang makatanggap ng PhilHealth member identification number. Sinabi niya na ang datos ng isang miyembro ay magiging accessible sa pamamagitan ng PhilHealth portal para sa monitoring at updates. “If you are already a member, you can use the PhilHealth member portal on our website at https:// memberinquiry.philhealth.gov.ph/ member for online services.
Just register, create an account, and you can download your Member Data Record. Through that, you can check if your contributions are up to date and get your member data online,” ani Manuel. Binanggit din niya na ang legal office n PhilHealth ay aktibong iniimbestigahan ang mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa mapanlinlang at pandarayang mga transaksiyon sangkot ang mga online fixer. Nagbabala rin ang PhilHealth na ang mga fixer na sangkot sa mga mapanlinlang na mga aktibidad ay nahaharap sa mga parusa sa ilalim ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act of 2018.
Ang mga lalabag ay nahaharap sa mga multang hanggang PhP2,000,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na taon. Maaaring ireport ng mga miyembro ang mga pandarayang aktibidad sa PhilHealth 24/7 sa pamamagitan ng kanilang hotline sa (02) 8662-2588, mobile numbers: 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, and 0917-1109812, o via email sa [email protected]. Samantala, maaaring bumisita ang mga miyembro sa Region 1 sa PhilHealth Ilocos Region sa Akia Bldg., Old De Venecia Highway, Dagupan City, o kontakin sila via
email sa [email protected] o sa pamamagitan ng kanilang Facebook page sa https:// www. facebook.com/ PhilHealthIlocos1Region.
(EMSA/AQA, PIA Pangasinan/ PMCJr.-ABN)
September 29, 2024
September 29, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024