PHILIPPINE NAVY PINAGTIBAY ANG PANGAKO SA INTEGRIDAD NG TERITORYO SA PHILIPPINE RISE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union

Muling pinagtibay ng Philippine Navy (PN) ang pangako nito na protektahan ang integridad sa teritoryo ng bansa sa isang send-off ceremony ng Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Jose Rizal (FF-150), na paggunita ng ika-7 anibersaryo ng Philippine Rise sa Poro Point sa lungsod na ito noong Hulyo 9. Sinabi ni Philippine Navy Naval Forces Northern Luzon Commander, Commodore Edward Ike M. De Sagon na itutuloy nila na panindigan ang
soberanya ng bansa sa maritime domain nito na kinilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lalo na sa Limits of the Continental Shelf.

Idinagdag ni De Sagon na ang pagpapadala ay layon ding itaas ang kamalayan sa estratehikong halaga ng
Philippine Rise at mga pagsisikap na ginagawa upang protektahan ito at mga yamang dagat nito. “Our marine conservation efforts are important in safeguarding the diverse marine life and ecosystems of the Philippine Rise for present and future generations,” ani De Sagon. Samantala, sinabi ni Lt. Gen. Ferlyn G. Buca, commander ng Northern Luzon Command na ang aktibidad ay nasi ding parangalan ang mga Pilipino sa kabuuan, na may pagtutok sa mayamang kasaysayan sa naval ng bansa.

“This commemoration not only raises awareness of the strategic value of the Philippine Rise but also honors its
significance to the Filipino people, reaffirming the country’s rich maritime history,”ani Buca. Inaaalala at
ipinagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ang pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise sa isa ng
Executive Order No. 25 na linagdaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Mayo 2017.

Bilang bahagi ng selebrasyon ngayong taon, ang BRP Jose Rizal ay nagsagawa rin ng isang flag raising ceremony sa Philippine Rise noong Hunyo 10 bilang isang sagisag ng pagkakaisa, soberanya, at pagmamapuri ng bansa.
Karagdagan dito, isang C130 ang nagpalabas ng isang flyby sa ibabaw ng Philippine Rise sa parehong persa, na
hangaring ipakita ang pambansang lakas ng bansa at aerospace security capabilities sa lugar.

(CCMT PIA La Union/PMCJr. ABN)

Amianan Balita Ngayon