MALASIQUI, Pangasinan – Nagsasagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan ng mobile registration para sa Step 2 ng Philippine Identification System (PhilSys) para sa national line agencies at mga manggagawa sa local government unit.
“They have limited time to go out because of their work so we thought of bringing the registration kit to their respective offices,” ani PSA Pangasinan’s chief statistical specialist Edgar Norberte sa isang panayam.
Sinabi ni Norberte na ang mga national government agencies na kanilang pinagsisilbihan ay ang Philippine National Police, Government Service Insurance System, at ang Social Security System.
Ipinahayag din ng pamahalaang probinsiya ang kanilang pagnanais na makakuha ng mobile registration para sa mga empleyado nito, dagdag niya.
“We have already finished registering in Step 2 the municipal employees in the different local government units of the province,” aniya. Sinabi ni Norberte na ang pamahalaang munisipal ng bayan ng Rosales ay binuksan ang isang registration center sa SM City Rosales mall mula pa noong Hunyo 18.
“The municipal government can no longer accommodate the number of registrants in their center so they decided to open another one in the SM mall,” ani Norberte.
Sa isang Facebook post ay inanunsiyo ng SM City Rosales na tatanggap sila ng 200 preregistered applicants habang ang mga walk-in ay ipinagbabawal.
Ang PhilSys Step 1 registration process ay naka-online na. Ang Step 2 ay ang aktuwal na PhilSys registration, na ito ay validarion ng demographic information at ang pag-capture ng fingerprint, iris, at face images sa mga PhilSys registration centers.
Sa ilalim ng Step 3, ang national identification (ID) card ay ipapadala sa tirahan ngmga aplikante sa pamamagitan ng Philippine Postal Corp.
“There were some who already received their IDs,” aiya. Nilagdaan namaging batas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay layong magtatag ng iisang national ID para sa lahat ng Pilipino at resident aliens.
Ang national ID ay patunay ng totoong pagkakakilanlan na magiging isang pamamaraan na pasimplehin ang pampubliko at pribadong mga trsansaksiyon, enrollment sa mga paaralan, at pagbukas ng mga bank accounts.
Dadagdagan din ang kakayahan, lalo na sa mga serbisyo ng gobyerno kung saan mangangailangan na lang ang mga tao na magpakita ng isang ID sa mga transaksiyon.
(HA-PNA/PMCJe.-ABN)
June 26, 2021