PhP266.87M social pension ng sr. B citizens inilabas ng DSWD-CAR

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinapanindiganan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang tulong sa mga senior citizen ay nananatiling isang prayoridad sa panahong ito ng pandemya sa COVID-19. Iniulat ni DSWD-CAR Assistant Regional Director for Operations Amelyn Cabrere sa isang online Kapihan sa Baguio media forum dito na ang social pension para sa first semester ng taong ito ay nailabas na sa 88,959 senior citizens sa Cordillera nan aka-enroll sa programa.
Nasa kabuuang PhP266,877,000 ang nadisburse na sakop ang kanilang pension para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo. Ang mga senior citizen na nakatanggap ng kanilang social pension ay kasama ang 21,070 mula sa Abra; 9,809 sa Apayao; 1,777 sa Baguio City; 18,625 sa Benguet; 14,555 sa Ifugao; 13,759 sa Kalinga at 9,305 sa Mountain Province.
Sa ilalim ng DSWD Social Pension Program, ang mga nakalistang benepisaryo ay may karapatan sa PhP pension bawat buwan upang pandagdag sa kanilang mga ikabubuhay at iba pang medikal
na pangangailan.
Sinabi rin ni Cabrera na sa ngayon ay mayroon ding 29 centenarians (100 taong gulang) sa Cordillera na nakatanggap na ng PhP100,000 cash grant bawat isa mula sa DSWD alinsunod sa Centenarian Act of 2016.
CCD-PIA CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon