PILIPINAS… DI PATITINAG SA MGA BANTA!

Muli nating ipinagdiwang ang ating Kasarinlan sa ika-126 na Araw ng Kalayaan. Gaya ng nakagawian, ginugunita natin ang ating mga bayani at binibigyang-pugay ang kanilang kabayanihang ipinamana sa ating lahi. Ngunit laging nakabuntot ang taunang tanong: dama ba natin ang tunay na diwa ng ating kasarinlan? Sa kasaysayan, marami sa ating mga bayani ang nagmula sa Luzon particular sa Norte. Batid natin ang kanilang pagbubuwis-buhay dahil sa
ating Inang Bayan. Kaya’t nararapat lang na sa Araw ng Kasarinlan, ating alalahanin ang kanilang kabayanihan at gawing inspirasyon sa ating pakikibaka sa makabagong panahon.

Huwag nating kalimutan ang kanilang pagiging martir. Samantalang hindi maipagkakaila, na sa panahong yaon ay nagkaroon din ng “inggit”, mga hidwaan, pansariling kapakanan at pagtatraydor ng ating mga kababayan. Mga pangitain na magpahanggang ngayun, sa makabagong panahon ay di maipagkakailang nakapaligid pa rin sa atin. Para tayong nag-molde ng martilyo na ipukpok sa ating sariling ulo. Saklap hane? Pero huwag ka…kahit ganito
tayo…matatag at di natitinag ang ating lahi, di ba? Tamo na lang ang nangyayari sa West Phil. Sea.

Lumalabis na ang Tsina sa kanilang pangbubully sa ating mga mangingisda at at sundalo. Tumitindi na ang kanilang pangaapi at interes na kamkamin ang ating teritoryo. Nariyang kinakanyon tayo ng tubig at binabangga at binabalahura….pero hindi natitinag ang ating paninindigan. Nasusukat ditto kung hanggang kailan at hanggang saan ang ating paninidigan at tapang. Baka naman sa banda huli, ika ng ilan…ay susuko rin tayo sa mga dayuhan. Baka naman sa di natin alam ay “nasasakop” na uli ang ating kasarinlan. Baka naman mauulit daw ang naganap bago ang giyera sa pagitan ng bansa natin at mga Hapones.

Ayon sa ating mga ninuno, matagal na raw ang mga singkit sa ating bansa at nagkukunwang mga kaibigan. Pero sa bandang huli, sila pala ay naging kaaway at nanakop pa sa ating bansa. Sana, huwag na itong maulit pa, dalangin ng marami. Sana, hindi mangyayari ang pinangangambahan ng marami na baka ang susunod na giyera sa mundo ay magmumula sa Asya. Sana hindi na maulit na tayo’y nagapi at naging alipin ng banyaga. Marami pang BAKA at SANA. Manalangin tayo para sa kaligtasan ng PIlipinas.

Sa pagsapit ng ika-126 na kaarawan ng ating kasarinlan….muling nausal ang ating mga pangarap na sa likud ng mga bara at sagwil…nariyan pa rin at sumisingha p- singhap. DEMOKRASYA. Yan ang sigaw. Ipinagkaloob subalit inabuso. Sinamantala at ginagawang rason sa mga pagkakataon na nagpapahayag na rin minsan ng ating kahinaan.
Kung sa kolokiyal na salitang kanto sa Ilokandia: “sulpeng”, “duldog” o kaya’y PASAWAY. Marami rin tayong naitalang karangalan sa buong mundo dahil sa galing ng ating lahi na maaring ipagmalaki at ipagbunyi.

Kaya nga’t sa ngayon, dahil sa dami na ng ibinungang ngitngit sa mga nagaganap sa West Phil Sea…tiyak…handa na ang ating lahi na muling sasagupa sa unos kung kinakailangan. Gaya ng mga pahimakas ng ating mga opisyal ng
pamahalaan….hindi tayo patitinag at hindi tayo yuyuko sa sinumang aagaw sa ating teritoryo. Mabuhay ang lahing Pinoy…Mabuhay ang Pilipinas. Adios mi amor, ciao, mabalos.

POGO DILEMMA

Amianan Balita Ngayon