Pinay at German national, ninakawan sa Bauang

Rumesponde ang mga pulis ng Bauang dakong 8:30am ng Hunyo 28 sa insidenteng pagnanakaw na nangyari sa Villa Estralla Resort Hotel sa Brgy. Paringao, Bauang, La Union.
Napag-alaman na nawawala ang isang unit ng laptop, pulang wallet na naglalaman ng Visa Card ng Germany, German Bank Card, residency permit sa Seoul Korea, Korean Visa Card, 600 Euro at 300 USD na pag-aari ng mga biktimang sina Lilibeth Aragon Acosta, 51, researcher, tubong Los Banos, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Seoul Korea; at Jan Maifeld, 58, German national, residente ng Essen Germany, na pinaghihinalaang ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima na nagbabakasyon sa nasabing resort ay umalis ng kanilang kuwarto na naka-lock upang mag-almusal subalit nang sila’y bumalik na, ang mga nasabing gamit ay nawawala na. Ang kaso ay kasalukuyan pa ring iniimbestigahan.

Amianan Balita Ngayon