Nangunguna sa listahan ng mga pinagkakatiwalaang ahensya ang Department of Social Welfare and Development. Sa 2021 Philippine Trust Index (PTI), ito’y nakapagtala ng 88 porsiyentong grado ng tiwala mula sa publiko.
Ang mataas na tiwala ng publiko ang nagbibigay sigla sa mga “Angels in red vests” upang paghusaying isagawa ang mga social protection programs sa mga mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan.
Tampok sa 71 taong ng kagawaran ang mga programang: Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services; Self- Employment Assistance Kaunlaran Program na kilala na ngayong Sustainable Livelihood Program; Supplementary Feeding Program; Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); Social Pension Program; Yakap Bayan Program; Assistance to Individuals in Crisis Situation; Disaster Response Programs; at ang Social Amelioration Program.
Aktibong isinulong ang Juvenile Justice and Welfare Act; Senior Citizens Act; Centenarian’s Act; 4Ps Act; Magna Carta for Social Workers;
An Act Establishing the Social Welfare Attache; at ang National Commission on Senior Citizens Act upang makapagpabago sa buhay ng mga Pilipino.
Layong mapagaling at malinang pa ang mga proseso ng kagawaran sa ilalim ng Performance Governance Scorecard (PGS) upang higit na maiangat ang kakayahang magpatupad sa tungkulin nito.
Sa katunayan, ginawaran ito ng Silver Trailblazer Award ng Multi-Sectoral Governance Council bilang pagkilala sa pagkakaroon nito ng konkretong resulta, regular na dokumentasyon ng progreso ng stratehiya, proseso para sa pagtuturo para sa ikagagaling ng lahat ng empleyado, mekanismo para bigyan ng pagkilala ang mga natatanging empleyado at aktibong pakikibahagi ng partners nito.
Nagsusulong din ang DSWD upang magawaran ngayong 2022 ng International Standard Organization (ISO) 9001-2015 Certification para sa Quality Management System upang maisigurado ang kalidad na serbisyo sa taumbayan.
Tungo sa ganap na debolusyon alinsunod sa Mandanas ruling, sumasailalim din ang ahensya sa “re-engineering” ng sistema, proseso, at polisiya para sa paglilipat ng implementasyon ng mga frontline programs sa mga LGU.Hindi makakamit ang lahat ng ito kundi dahil sa mga manggagawa ng kagawarang tuloy-tuloy na nagpapamalas ng kahusayan at dedikasyon sa tungkulin sa gitna ng pandemya.
Kinikilala din ang mga katuwang ng DSWD sa paggampan ng tungkulin nito sa pamamagitan ng “Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan o ang PaNaTa Ko sa Bayan Awards” na igagawad sa mga indibidwal o grupo na nagbigay ng serbisyo o nagbahagi ng rekurso upang maisulong ang social protection programs.
Sa susunod pang mga taon at dekada. aasahan ng taumbayan ang pangako ng DSWD- “Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!”
February 6, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025