BAGUIO CITY
Pinagusapan at naglatag ng plataporma ang Creative Baguio City Council para mapanatili ng lungsod ang pagiging “Recognized Creative City of Crafts and Folk Art” ng UNESCO, sa ginanap na forum sa Baguio Convention & Cultural Center, noong April 29. Iminungkahi ni Marie Venus Q. Tan,co-chair ng CBCC, ang paglikha ng iba’t ibang produkto gaya ng basket weaving, wood carving, tattooing, at iba pa. Pagbigay ng koneksyon sa pagitan ng mga institusyon at
pampublikong espasyo tulad ng mga parke upang palakasin ang pakikilahok at pakikipagtulungan ng komunidad.
Isa pa sa pangako nito ang mag-udyok ng paglaki ng mga espasyo para maglikha at para ang LGU ay maglaan ng
benepisyo na masuportahan ang mga creative hubs na mapanatili ang traditional arts and crafts. Binabalak na rin ng
council ang paginstitusyonalisa ng Baguio Creative Arts Festival. Ang mga ibang myembro ng Crafts and Folk arts ay
maiimbita sa festival at bibigyan ng plataporma na may kapalit na creative expression. At ang huli ay ang pagtatag ng
relasyon sa mga nasyonal at global member cities.
Nagbigay si Venus ng mga Action Plan at ang nauna rito ay ang siyudad ay “Liveable” kung saan ang likha at kultura
ay istratehiya para mag-udyok ng mga tao at ang mga espasyo na pampubliko. Isang halimbawa ay ang film screening o public workshop sa malcolm, post office, at iba pa. Pangalawa pa ang pagiging Inlucisve, kasama ang
mga malilikhain na mga babae sa correctional center, pakikipagtulungan maglikha kasama ang mga children with
special needs, at ang mga barangay na pwede din maging espesyo para maglikha.
Huli ng binanggit ang creative, na may suporta sa mga iba’t ibat malikhain at artistic na mga workshops. Ang pagtatag din ng ecommerce ay isa sa mga paraan para sa market reach. Ito ay para magbukas ng mga oportunidad
sa syudad na mag sikap na maging aktibo sa mga ganitong ganap. Nais din nila magtatag ng calendar of activities na may kaugnayan sa mga ahensya at institusyon. Isa na rin ang pagkakaroon ng social media presence na mas nakararami ang makakita ng mga ganap.
Via Cadiente/UB-Intern
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024