POLICE VISIBILITY SA MGA PAARALAN PAIGTINGIN LABAN SA KRIMINALIDAD

BAGUIO CITY

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Lunsod ng Baguio na dapat paigtingin ang Police visibility
sa mga paaralan maging pampubliko man o pribado dapat anila ay may mga pulis na nakabantay upang maiwasan ang pagkakaroon ng Krminalidad at magkaroon ng disiplina ang mga estudyante
at magkaroon ng peace and order sa paligid ng mga paaralan o university belt.

Sa ilalim ng isang Resolution No.. 590, series of 2022, ay inaatasan nityo ang Baguio City Police Office na kailangan na mayroong Police Visibility “sa mga paaralan upang maiwasan ang posibleng
pagkakaroon ng kriminalidad na kung saan kung minsan ay maging ang mga estudyante ay lumalabag sa mga batas . Ito ay upang magklaroon ng peace and order sa mga paaralan.

Ang nasabing Resolution No.590 ay isipinasa noong Nobyembre 7,2022 sa isinagawang Scout Officials for A Day (SOFAD) sa isang regular session . Ang SOFAD Council ay sinang-ayunan ang
nasabing proposal ng SOFAD Councilor Rayner C. Paulha nakung saan ay pinapaalalahanan ang BCPO na tupdin ang ipinasang resolutions at polisiya na na panatalihin ang security measures sa lahat ng mga paaralan sa syudad.

Ayon pa sa naging talakayan ng konseho ng SOFAD kailangan na magkaroon ng police visibility
sa mga paaralan dahil na rin sa pagkakaimpelementa ng “face to face” na klase sa lahat ng
paaralan sa lunsod ng Baguio sa ilalim ng Department of Education No.34, series of 2022, noong November 10, 2022, under DepEd Order No. 44, series ng taong 2022, na kung saan ang kapulisan ay kasama sa nasabing programa na magpatupad ng peace and order sa mga paaralan.

Bukod sa kanilang ipinasang resolution ay kanila ring iminungkahi na ipatupad ang ilang Resolution na gaya ng Resolution No. 191, series of 2001, na kung saan ay inaatasan nito ang BCPO na maging sa mga unibersity belt ay kailangan ang kanilang presensya upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng kriminalidad sa mga lugar na kung saan ay may mga estudyanteng lumalabag sa mga batas at ordinansa.

At ang ilan pang Resolution No. 284, series of 2003, that requested the Resolution No. 281, series of 2007, na kung saan ay hiniling nila na magtalaga ang BCPO ng kapulisan sa mga paaralan maging sa mga university belt tuwing 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi na kung saan oras
ito ng uwian ng mga nasa kolehiyo upang makauwi ng mapayapa ang mga estudyante na walang pangamba sa daan.

At ang panghuling hiling ng konseho ay ang masusing pagbabantay sa mga estudyante na nasasangkot sa bullying dahil anila kapag may pulis sa labas ng paaralan ay magdadalawang isip na
magsagawa ng pamgbubully ang isang estudyante. Nagbigay din ng kopya ang SOFAD Council sa tanggapan ng BCPO upang ipaalam ang mga nagawang resolution at tupdin ang mga ito.

Dexter A. See/ABN

Amianan Balita Ngayon