Power plant ng Hedcor, binomba sa Mt. Province

Oct 14, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang malawakang blackout sa lalawigan ng Mountain Province ang idinulot ng pagsabog sa control room ng Sabangan Hydro power plant sa Otucan Norte, Bauko na diumano’y kagagawan ng mga armadong kalalakihan.
Sa isang press statement ng Hedcor Incorporated, binomba ng isang armadong gupo ang kanilang pasilidad dakong 11pm noong Oktubre 10, Martes.
Sa naturang statement ay inihayag ni Hedcor Sabangan Inc. Senior vice president Chris Faelnar na walang nasaktan sa insidente at lahat ng kanilang empleyado ay ligtas at nasa maayos na kalagayan.
“We denounce this attack that resulted to the curtailment of power supply and hampering the development in the province,” ani Faelnar.
Sinabi rin nito na ang Sabangan power plant ay higit pa sa isang renewable energy facility ng Aboitiz power at Hedcor. “This is a community endeavor,” aniya.
Ipinaliwanag nito na ang Sabangan hydropower plant ay nakakapag-ambag sa pangkalahatang kapakanan ng kanilang host community sa pamamagitan ng royalty shares at energy regulation (ER1-94) shares na nagmumula sa operasyon ng planta.
“We employ people from our host community, we pay local and national taxes, and our Corporate Social Responsibility (CSR) activities tries to uplift the lives of our neighbors,” ani Faelnar.
“We are cooperating with the Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines, who are investigating the incident and have enhanced security onsite. Although 90 percent of our equipment at the tapping point was damaged, we have activated our Business Continuity Plan to restore the Sabangan Hydro operation within the soonest possible time,” dagdag niya.
Sinabi ni Faelnar na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Bauko at Sabangan para sa kanilang mga susunod na hakbang upang makabangon mula sa insidente.
Sa isang hindi opisyal na pahayag ng Mountain Province police, 10 armadong katao na hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang umatake sa pasilidad at sinorpresa ang dalawang guwardya.
Ayon sa pulis, naglagay ang mga suspek ng improvised explosive devices sa pasilidad at kinuha ang dalawang 9mm pistols ng mga guwardya.
Ang Sabangan Hydro ay itinayo noong 2013 at nagsimula ang operasyon noong 2015. DIONISIO DENNIS JR. / ABN

RELATED POSTS

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro)...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest