PRESYO NG GULAY SA BENGUET, TUMAAS NG 60%

BAGUIO CITY

Nararanasan ngayon ang pagtaas ng presyo ng mga highland vegetables sa probinsiya ng Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Bernadette Jimenez, isa sa mga disposers, halos 60% ang itinaas ng presyo ng mga gulay dahil sa pagbaba ng suplay nito. Aniya, karamihan sa mga
magsasaka ay nakaani na noong mga nakaraang buwan habang ang iba naman ay nakatakdang anihin sa susunod na mga buwan.

Kabilang dito ang carrot na ngayon ay nasa P110 kada kilo; repolyo na P60 hanggang P65 kada kilo, chinese cabbage na nasa P30 hanggang P48 at patatas na umaabot naman saP66 kada kilo. Samantala, sinabi pa ni Bobby Bumatnong, normal pa rin ang presyo ng iba pang highland vegetables. Tiniyak din nito na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng ilang mga gulay ay nananatili
paring sapat ang suplay ng mga ito.

Bombo Radyo-Baguio

Amianan Balita Ngayon