Presyo ng strawberry, tumaas dulot ng kakulangan ng supply

Feb 10, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Dahil sa kakulangan ng suplay ng strawberry, tinatayang tataas ang presyo nito sa mga darating na araw sa mga pamilihan hindi lang sa bayang ito kundi maging sa karatig na lungsod ng Baguio.
Ayon sa strawberry vendor na si Leonida Soriana, maaaring magtaas na sila ng  presyo ng strawberry sa mga pamilihan sa mga darating na linggo, dagdag pa niya na magtataas ang presyo ng strawberry dahil sa mababa ang supply nito na nanggagaling pa sa iba’t ibang lugar sa Benguet.
“Magtataas lang kami ng presyo siyempre kapag nagtaas din ng presyo yung mga nag-de-deliver sa amin, kapag mataas ang bigay nila kailangan din naming magtaas kundi malulugi naman kami”. Sa ngayon marami pang strawberries na idini-deliver kung kaya’t medyo mababa pa ang presyo. Mas mababa ang presyo ng strawberry kapag weekdays kaysa sa weekend ayon sa mga vendors sa City Public Market. Nangako naman ang mga vendor na hindi sila mag-o-over pricing sa mga turista na dadagsa sa lungsod ngayong Panagbenga Festival.
Umaabot ang presyo ng strawberry mula P150-P250 kada kilo depende sa klase ng strawberry na kadalasang ang mga malalaking strawberry ay mas mahal ng kaunti kaysa sa mga maliliit na hugis. Inaasahan din na maaaring magtaas ng presyo ang mga vendor sa darating na linggo na maaaring umabot ng P180-P300 kada kilo.
Inaasang magdaragsaan ang libo-libong turistang makikisaya sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival, ayon sa Tourism Department kung kaya’t ito ang magandang pagkakataon na ibida ang mga produkto ng Baguio City, ito rin ang magandang pagkakataon na kumita ng malaki ang mga business establishment sa lungsod. ALLAN LEMUEL SUNGA, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest