PROCOR IPINAGDIWANG ANG 33RD PNP FOUNDATION ANNIVERSARY

CAMP DANGWA, Benguet

Ipinagdiwang ng Police Regional Office-Cordillera ang 33rd PNP Foundation anniversary, na dinaluhan ni Congressman Eric Go Yap,bilang guest of honor and speaker, na ginanap sa Camp Major Bado Dangwa,La Trinidad, Benguet ,noong Pebrero 21. Sa tema na “Serbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa, tungo sa Maunlad at Ligtas na Bansa” kinilala ang mga tauhan ng PRO-Cordillera ang mga tauhan nito na nagsilbing inspirasyon sa
taong bayan. Ipinagmamalaking hinayag naman ni PRO Cordillera Regional Director Brig.Gen.David Peredo,Jr., sa
mga dumalo ng pagdiriwang ang pagbaba ng crime incidence sa rehiyon.

Nagpapasalamat naman si Yap sa pagtulong ng mga kapulisan sa programa ng kanilang opisina para sa mga
mamamayan ng Cordillera. Saad ni Yap, ang Cordillera ay ‘Home of the most disciplined and honest cops’, kaya naman, pinarangalan ang 17 kapulisan at isa pang unit, kaugnay sa kanilang kontribusyon at dimatatawarang tagumpay sa kanilang trabaho.

Isa na rito si NUP Jefferson T Damoslog ng Baguio City Police Office na ginawaran ng Medalya ng Kasanayan para sa kanyang ipinakitang huwarang pagganap ng tungkulin na naging dahilan para makilala ang kanilang pangkat bilang National Awardee for the Presidential Lingkod Bayan Award- Group Category sa naganap na National Civil Service Commission Honor Awards Program and Recognition Rites nuong February 14, 2024, sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace.

Tinanggap din ni Provincial Director, Col. Joseph Bayongasan ang Plaque of Recognition na iprinisinta para sa Benguet Provincial Police na kinilala bilang Most Disciplined Unit of PRO Cordillera para sa taong’ 2023. Kasabay ng selebrasyon, inilahad naman ang Cordillera Heroes Monument at WreathLaying Ceremony para sa mga
miyembro ng SAF 44 na galing sa Cordillera. Gamit ang pondo mula sa Regional Director’s office, sinimulang ipinatayo ang monumento isang linggo bago ang pagdiriwang ng PNP Foundation Day. Sa mensahe ni Peredo,“at
ngayong bagong taon, dagdagan natin, ang medyo kulang, dagdagan natin, ienhance natin para tuloy-tuloy ang pag-bigay natin ng mas magandang serbisyo sa taong bayan”

Charisse Kate C. Ricardo/UBIntern

Amianan Balita Ngayon