SAGADA,Mt.Province
Ang Police Regional Office-Cordillera at mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-15 (RMFB15) ay nagpasimula ng outreach activity na tinawag na “Panagaywan Iti Kailyan”, na ginanap sa Barangay Balugan, Sagada, Mt Province noong Hunyo 10. Pinangunahan Brig.Gen.
David Peredo, Jr., regional director, kasama si Lt.Col. ni Ruel Tagel, acting force commander ng RMFB15 ang pamamahagi ng wheelchairs sa tatlong Persons with Disabilities (PWDs), habang 22
solar lights,12 water hoses, toilet bowls, 141 pares ng tsinelas, at 75 grocery packs ang naipamahagi sa mga senior citizen, estudyante. at mga guro.
Dumalo sa programa sina Col.Silby Dawiguey, provincial director ng Mt. Province Provincial Police Office; Capt. Aida Esteban, acting Chief of Police ng Sagada Municipal Police Station; Sagada Mayor Felicito, iba pang opisyal ng PROCOR at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng munisipyo.
Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa tulong ng mga stakeholder na nagbigay ng donasyon sa aktibidad na ito ay ang “Madame of Bauang” at C & T Builders. Nagpasalamat si Peredo sa mga LGU ng Sagada sa todo-todo na suporta sa mga programa ng PNP partikular na ang Sagada MPS.
Hinikayat din niya ang mga benepisyaryo kapwa mag-aaral at magulang na manatiling motibasyon na ituloy at hangarin na matupad ang kanilang mga pangarap dahil ang kahirapan o kakulangan sa materyal na bagay ay hindi hadlang sa edukasyon. “Layunin ng aktibidad na makalap ang suporta ng mga stakeholder para matulungan ang ating kakailyan lalo na ang mga pinagkaitan ng ilang serbisyo at karapatan sa rehiyon, at bilang suporta sa DKP 3-Fold Agenda ng PROCOR– “Disiplina sa Dasal, Kakayahan at Kaunlaran, Pagmamahal at Pagtupad sa Tungkulin”, dagdag
ni Peredo.
Zaldy Comanda/ABN