Produksiyon ng gatas sa Cordillera papalakasin

Provincial

Palalakasin ng Department of Agriculture ang produksiyon ng gatas sa rehiyon ng Cordillera sa pagbili ng 49 bagong mga baka mula Australia. Sinabi ni DA-Cordillera Director Dr. Cameron Odsey noong Martes na umaasa sila na mapalakas ang produksiyon ng rehiyon sa commercial quantities sa pagdating ng imported na mga buntis nab aka sa Baguio Animal Breeding and Research Center.

Sinabi niya na bawat isang baka ay kayang maglabas ng 15 litro hanggang 20 litro ng preskong gatas araw-araw sa kabuuang 980 litro para sa 49 baka. Sinabi ni Odsey na ang bagong stocks ay papalitana ng mga luma, na dinala sa mga lugar sa probinsiya na interesado sa produksiyon ng gatas, gaya ng Sadanga sa Mountain Province at Itogon sa Benguet.

Sa bawat isang baka na manganganak kada taon, magkakaroon ng rehiyon ng nasa 1,558 baka sa loob ng limang taon, kung mga babae ito at mabuhay. Mapapalakas nito ang araw-araw na produksiyon ng gatas ng Cordillera mula 1,000 litro sa kasalukuyang 15,680 litro sa liman taon.

Sinabi ni Odsey na ang mga bagong baka ay dalawang taong gulang at maglalabas ng gatas sa 10 taon. Sinabi niya na gagamit sila ng artificial insemination sa pagbubuntis ng mga baka para sa produksiyon ng guya, gamit ang parehong genes ng imported breed.

“These cows will give birth every year, which we will ultimately disperse to viable areas in the region. Those will be the next generation that will produce milk,” ani Odsey. Ang anak, sabi niya ay ibibigay din sa mga interesadong magsasaka sa mga kalapit probinsiya bilang bahagi ng layunin ng rehiyon na hikayatin ang mga magsasaka na pumasok sa dairy vusiness maliban sa pagsasaka.

“If we can make this a household enterprise (so) that they can sell to the government (milk) that we can use for the feeding program of the agencies,” ani Odsey, na binigyan pansin na ang nagaangkat sila ng 99 porsiyento ng kinakailangan nilang gatas ngunit unti-unting inaayos ng DA ang sitwasyon sa paghikayat sa tao na pumasok sa produksiyon ng gatas.

LA/PMCJr.-ABN