LA TRINIDAD, Benguet
Tumaas ang productivity ng palay na may kabuuang 3.03 metric tons(mt/ ha) per hectare habang ang mais naman ay may 2.65 mt/ha sa lalawigan, ayon sa Benguet Provincial Agriculture Office. Ayon sa datos ng ahensya, may kabuuang 4,255.63 hectares ang planted area at may 3,253.92 hectare harvested area ng palay, habang ang mais
naman may 114.43 hectares planted area at may 118.02 area harvested.
Samantala, sa isang panayam kay Delinia Juan, Agriculture Head ng Benguet sinabi niya na ang pagtaas ng productivity rate ay mixture ng hybrid at heirloom rice varieties. Agresibo ang pagpapatupad ng rice enhancement program sa lalawigan katulong nito ang Department of Agriculture Cordillera (DA- CAR).
Kris Angel Ngayawon/UC-Intern
April 12, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025