LUNGSOD NG LAOG – Lahat ng 39 pampublikong paaralan sa lungsod ng Laoag ay handa na ngayon na salubungin ang kanilang mga estudyante sa progressive expansion of inperson classes.
Sinabi ni Schools Division Superintendent Vilma D. Eda ng Department of Education (DepEd) na nakabase sa Laoag City noong Miyerkoles na kakatanggap lamang nila ang approval letter mula sa DepEd Regional Office na may petsang Marso 18, para sa ika-anim at huling batch ng mga aplikanteng pampublikong paaralan para sa implementasyon ng face-to-face learning modality.
“All our schools are prepared and they have fully complied with the standards of the School Safety Assessment Tool (SSAT),” ani Eda sa isang
panayam.
Hanggang sa oras na ito, mayroong 5,096 ng mag-aaral, 393 guro, at 76 non-teaching personnel ang kasama sa progressive in-person classes.
Ang bilang na ito ay kumakatawan sa halos 22 porsiyento, 42 porsiyento, at 30 porsiyento ng mga mag-aaral, guro, at non-teaching staff ng
mga public schools ng Laoag, ayon sa kanilang pagkasunidsunod. Bago payagan ang isang paaralan na mag-umpisa ng inpeson classes ay hinihingi ng DepEd ang mga kalahok na paaralan na pagtibayin ng mga awtoridad ng paaralan kung nakasunod sila sa SSAT standards.
Samantala, ang Holy Spirit Academy ng Laoag, isa sa 26 private schools sa lungsod ng Laoag, ay nag-umpisa na sa kanilang limited in-person classes, habang ang 25 iba pang private schools ay nasa proseso pa ng pagkuha sa mga kinakailangang mga dokumento para maaprubahan.
Sa ngayon, ang probinsiya ng Ilocos Norte ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 na may bagong naitalang anim na mga kaso ng coronavirus disease 2019 mula Abril 16 hanggang 18, 2022.
Noong nakaraang Pebrero ay inirekomenda ng DepEd kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang progressive expansion of limited face-to face classes upang payagan lamang ang mga bakunadong teaching at non-teaching staff na makilahok.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr-ABN)