PSU tinitingnan ang F2F classes sa 2nd quarter

LUNGSOD NG BAGUIO – Siyam na mga kampus ng Pangasinan State University (PSU) ay 70 porsiyento nang handa ngayon para sa implementasyon ng limitadong face-to-face (F2F) na mga klase sa second quarter ng taong ito.
Sa isang panayam noong Biyernes ay sinabi ni PSU president Dr. Dexter Buted na ang mga polisiya at panuntunan para sa limited F2F classes ay nakahanda na lahat subalit nasa proseso pa rin ng pagbili ng mga materyales at kagamitan na kakailanganin.
“The budget for the limited F2F is at least PHP20 million to buy television sets, lapels, air purifiers, additional ventilation, health equipment
materials, dividers, among others,” aniya.
Naglaan din ang PSU ng PhP25 milyon para sa internet connection sa buong kampus. “We want the internet connection to be per classroom,” dagdag niya. Sinabi ni Buted na ang kurikulum ng PSU ay kasalukuyang tumututok sa theoretical learning habang ang technical at mga laboratoryo kasama ang experimentation ay mag-uumpisa sa Abril o Mayo ngayong taon.
Sinabi niya na ang incampus na mga klase ay magiging boluntaryo at ang blended learning ay magiging handa pa rin para sa mga gusto ng virtual learning.
“We can only accommodate 15 to 20 students per classroom but we are catering to more than 31,800 students across the nine campuses so we really need to plan the shifting. The ratio of teacher-student is still a challenge so we are in the process of recruiting new teachers as well,” dagdag ni Buted.
Sinabi rin ni Buted na sinuri na ng Department of Health ang ilan sa kanilang kampus upang tingnan ang kanilang pagtupad sa mga protocol laban sa coronavirus disease (Covid-19).
Ang mga kurso para sa pilot implementation gn F2F classes ngayong taon ay nursing, engineering, hotel, and restaurant management, information technology, welding, electrical, at automotive, at iba pa.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon