BAGUIO CITY – Pinayuhan ni Mayor Benjie Magalong ang publiko ang mga residente ng baguio na ugaliing idisinpek o linisin at hugasan ng Mabuti ang mga pinamimili sa palengke at sa mga grocery upang maiwasan ang pagkalat ng virus na maaring makapekto sa kalusugan ng tao.
Kailangna aniya na magingat ang publiko dahil hindi pa rin ligtas ang bawat isa sa epekto ng Covid-19 na nanalasa sa mgatao .
“Please clean the produce that you buy well. Disinfect your bags and wash your hands immediately upon reaching your homes,” pakisaup ni Mayor Magalong. Ang kanyang panawagan aniya ay isa lamang sa pagbibigay babala sa kadahilanang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa lunsod lalo na sa mga establismeyento.
Ani Magalong, “ there has been a significant increase in the number of COVID-19 cases in market that is linked with the outbreak experienced at the Slaughterhouse area”. Isinasagawa na rin aniya ang isang proactive measure upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa isasagawang expanded or targeted testing sa mga vendor upang makilala at malaman kung sino ang may dala ng nasabing virus na siyang naging sanhi ng pagkalat ng Covid-19 sa Slaughterhouse o sa barangay Sto Nino. Isinasagawa na rin ang pag disinfect sa mga lugar na pinangyarihan ng outbreak ng nasabing virus.
“For market goers, we strongly advise that they strictly follow health protocols like wearing of masks and shields and observance of physical distancing when going to the market, groceries and stores. Apart from this, we can protect ourselves by making disinfection of the things we buy a habit,” dagdag pa ni Magalong.
Aileen P. Refuerzo/ABN
October 19, 2020
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025