PUGANTE SA QUIRINO, NASAKOTE SA RIZAL, KALINGA

RIZAL, Kalinga

Isang pugante mula sa Cabarroguis,Quirino District Jail, na siyam na taon ng nagtatago sa isang liblib na barangay ang nasakote ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station sa Sitio San
Vicente Brgy. San Quintin, Rizal, Kalinga,noong Agosto 7. Kinilala ang nadakip na si Remynad Santos Cabe,38 at dating residente ng Diffun Quirino. Ang suspek ay nahaharap sa kasong Anti-Carnapping Law and Robbery with force upon thing at nakakulong sa Cabarroguis District Jail,
Cabarroguis, Quirino Province.

Ayon kay Maj. Shameral Banag, chief of police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa
concerned citizen na may isang Person deprived of Liberty at matagal ng naninirahan sa lugar. Agad nakipag-coordinate ang Rizal MPS sa Bureau of Jail and Management PenologyRegion 2; Diffun MPS, Quirino at Cabarroguis District Jail, Quirino at RTC Second Judicial Region, Branch 32, Quirino para sa mga katotohanan ng kaso.

Ayon kay Banag, ang pagaresto sa suspek ay mula sa memorandum ni Jail Senior Supt. Amelia Rayandayan, regional director ng BJMP-Region 2 thru Atty.Peter Irving Corvera,undersecretary of
Public Safety-DILG,na nagsasabi na si Cabe ay isa sa apat na PDL na nakatakas noong hapon ng Setyembre 13,2014. Matapos makumpirma ang pagkakakilalan ng suspek at sa kaso nito ay agad umaksyon ang Rizal MPD, kasama ang tauhan ng BJMP-Region 2 at nadakip ang suspek dakong alas-4:20 ng nasabing petsa.

Zaldy Comanda/Artemio Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon