San Fernando City, La Union – Muling nagbabala si Police Regional Office-1 Director B/ Gen. Emmanuel Peralta sa mga kapulisan na corrupt, matapos mahuli at makasuhan ang isang miyembro ng Bayambang Municipal Police Station, kasama ang dalawa pa, na nangongotong sa motoristang dumadaan sa kanilang checkpoint sa Byambang-Alacala border sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Peralta, nahaharap ngayon sa kasong extortion at posibleng matanggal sa serbisyo si Corporal Daniel Penuliar, nakatalaga sa Bayambang MPS, samantalang ang dalawag kasabwat nito ay sina Felomino Espejo, miyembro ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Bayambang Municipal Government at Nestor Layno Sr., Barangay Tanod ng Barangay Pantol Bayambang, Pangasinan, Nabatid na ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod sa isinagawang entrapment operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Bayambang Police Station,noong Disyembre 7, matapos makatanggap ng reklamo kaugnay sa pangongotong umano sa motorista na dumadaan sa border na walang maipakitang present pass, vaccine card at mga hinihinging dokumento na may kinalaman sa COVID-19 protocol requirements.
Nagpanggap na motorist ang nasabing mga operatiba na dumaan sa checkpoint na kung saan ay naka-duti ang tatlong suspek. Nagpain ng marked money ang mga operatiba na ikinadakip ng mga suspek.
Kinumpiska kay Penuliar ang PNP Identification card nito; isang caliber 9mm pistol, Glock 17 with serial no. PNP01813, 3 magazines at 45 pieces ammunitions at marked money.Kimumpiska din ang mga Identification ng dalawa nitong kasamahan.
Dahil dito, iniutos agad ni Peralta ang administrative relief kay Lt.Col. Andres Calaowa,chief of police ng Bayambang MPS kaugnay sa lapses nito na masubaybayan ang kanyang tauhan.
“We should not take advantage of our ranks and uniforms to gain from any illegal activity. We are police officers and we are duty- bound to serve with integrity and discipline. No one will be spared from the internal cleansing program of the PNP,” pahayag pa ni Peralta.
Zaldy Comanda/ABN
December 11, 2021
December 11, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025