PULIS AT YOUR SERBIS

Headlines

Sa Benguet, apat na pamilya mula sa Brgy. Palina, Kibungan ang nakatanggap ng grocery packs mula sa mga kapulisan ng Kibungan Municipal Police Station.

Ang pamilya nina Mang Denver, isang pasyenteng nadiagnose ng brain cancer; Mang Basilio, isang bedridden patient; Aling Melanie, isang cancer patient; at Lola Margarita.

Ayon sa Kibungan MPS, bilang bahagi ng kanilang patuloy na Adopt-a-Family program at sa kanilang kagustuhan na rin na makapagshare ng kanilang blessings ay nag ambag-ambag sila upang makapagbahagi ng munting tulong o regalo sa nasabing mga pamilya.

At Kasabay nga ng kanilang barangay visitation sa nasabing barangay ay personal na binista ng mga kapulisan ang nasabing mga benepisyaryo upang personal na iabot ang kanilang regalong grocery packs.

(PROCOR-PIO)