BANGUED, Abra
Masusing iniimbestigahan ngayon ng Bangued Municipal Police Station ang motibo sa pamamaril ng umano’y isang miyembro ng pulis sa isang barangay captain na naganap sa harap ng Abra Provincial Jail, Barangay Calaba, Bangued, Abra, noong gabi ng Mayo 8. Ang biktima ay nakilalang si Nicomedes Buentipo Barbosa, 55, kasalukuyang Punong Barangay ng Zone 2, Bangued, Abra at residente rin ng nabanggit na lugar. Ang suspek na ngayon nasa custody ng Bangued MPS, ay isang 27 taon gulang na miyembro ng Abra 1st Provincial Mobile Force
Company (PMFC).
Sa paunang imbestigasyon, dakong alas 9:40 ng gabi ay nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Bangued MPS sa pangunguna ni PMaj. Graeme Boy Javier, deputy COP, sa kahabaan ng Calaba, Bangued ay nakarinig sila ng mga putok ng baril mula sa nabanggit na
lugar na agad nilang nirespondehan at napansin nila ang mga nagkalat na fired cartridge case ng hindi pa mabatid na kalibre. Napag-alaman, na ang biktima kasama ang kanyang mga kasama ay sakay ng beige Toyota Innova na may plakang NAO 799 ay patungo sa kanilang bahay sa Brgy. Calaba, nang mapansin ang suspek na sakay ng kanyang motorsiklo na nakaparada sa tabi ng kalsada.
Sa pagkakataong iyon, tinanong ng biktima ang suspek kung ano ang kanyang ginagawa doon at tinanong niya kung siya ay isang pulis na sinagot ng suspek na siya ay isang sibilyan. Pagkatapos nito, tumuloy ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan sa eskinita patungo sa kanilang tirahan nang bigla silang pinaputukan ng suspek ng ilang beses. Nakuha ng alert team ng Bangued MPS ang suspek at
narekober sa kanyang possession ang inisyu nitong short firearm na isang Cal. 9mm Pietro Berreta na may serial number G79305Z na may dalawang magazine na puno ng 15 live ammunition bawat isa para sa parehong kalibre at dinala sa Bangued MPS para sa
dokumentasyon.
Samantala, pinalakas ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ang isang proactive na hakbang upang
palakasin ang seguridad para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE), makaraang magpadala io ng karagdagang 240 pulis sa lalawigan ng Abra, noong Mayo 2. Sinabi ni Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director, ang deployment ay hudyat ng isang
kritikal na gawain sa shared mission upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng darating na 2025 elections, protektahan ang mga karapatan ng mga tao, at mapanatili ang batas at kaayusan.
“Hayaan ang iyong presensya na magdala ng katiyakan sa publikong bumoboto at magsilbing hadlang sa anumang pagtatangka na guluhin ang kapayapaan. Maging alerto, magpakita ng pagpigil kung kinakailangan, at manatiling ginagabayan ng batas at ng ating code of conduct.” Ang 240 pulis mula sa PRO CAR Regional Headquarters Reactionary Standby Support Force, Regional Support Units, Baguio City Police Office, Benguet Police Provincial Office, at Ifugao Police Provincial Office ay magsisilbing karagdagang tauhan na ipapakalat sa iba’t ibang lugar ng Abra bilang pag-asa sa darating na 2025 NLE sa Mayo 12, 2025.
Romy Gonzales
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025