Habang sinusulat ang espasyong ito…maaring malayo na ang narating ng inyong penetensiya o pagngingilin kaya ihahabol namin ang ilang mga talata na maaring magkakadagdag sa inyong diksiyonaryo ng kaalaman hinggil sa Mahal na Araw. Maaring kaiba ang ating
ngilin ngayong Semanata Santa dahil ito’y sinabayan ng pangangampanya ng mga tumatakbo para sa halalan-Mayo 12, 2025. Isang
masalimuot at nakakaintrigang katanungan: may ngilin ba sa pulitika lalo pa’t nasa kainitan na ang kampanya?
Maaring sa mga sagrado-katoliko, masasabi nilang dapat lang na may ngilin naman. Na dapat may pahinga naman kahit ilang araw lang ng pangangampanya at ituon ang direksiyon sa tunay na kahulugan ng mga araw na ito sa buhay noon ni Hesukristo kung saan isinakripisyo ang sariling dugo’t buhay alang-alang sa kaligtasan ng mundo. Tanong: ang mga kandidato kaya ay kayang isakripisyo ang kanilang buhay alang-alang sa serbisyo-publiko? Si Kristo ay nag-alay ng buhay ayon sa katuparan ng tadhana.
Nasusulat sa Banal na Biblya. Naroon ang diwa ng tunay ng malasakit at pagmamahal. Sa kabilang dako…tunay kaya ang ipinamamalas na malasakit at paglilingkod ng mga kandidato o sumasakay lang upang makilala at pag nanalo ay magkamal ng yaman ang motibo? Nakakapanlumong katotohanan dahil mangilan-ilan lang ang kakikitaan ng taus-pusong paglilingkud. Pero nasalamin din ba natin ang
ating mismong sarili bakit sila nagkakagayun? Wala ba tayong parte sa mga pangyayari at nagaganap? Naiisip ba natin
minsan na taumbayan din ang nagtutulak sa kanila upang maging gahaman o corrupt?
Eto siguro ang isang pagnilayan ng taumbayan kahit hindi na Semana Santa. Tuwing Semana Santa, inuusal ang Last 7 Words, “Siyete Palabras” mga huling katagang nausal sa Kalbaryo bago nalagutan ng hininga ang ating Tagapagligtas. Mula sa sugat umagus ang dugong
naging patubig sa ating tigang na katauhan. May konsensiya pa ba tayo? Nagsisisi pa ba tayo sa mga pagkakasala natin o lumuluhod pa ba tayo upang magpasalamat sa Poon na tayo’y kanyang iniligtas sa kasalanan kapalit ng kanyang pagtitiis sa Krus ng Kalbaryo?
Dahil nagsulputan na ang mga henyo, maalam, paham, eksperto at mga kuno’y walang dungis ang kanilang busilak na katauhan, madalas ay nakakalimut na tayo may may Makapangyarihang Lumikha. Lumilikha tayo ng ibang diyos. Sobrang bilib na sa sarili at nasisilaw sa gawa ng tao. Sana kahit hindi na Semana Santa ay manumbalik sana tayo sa Panginoon upang gabayan tayo sa pang-araw-araw na
buhay hindi lang ngayung panahon ng kampanyahan. Ayon sa Comelec…muli nilang inuulit ang kanilang babala sa lahat ng mga
kandadato na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Sana ang natupad ang kanilang panuntunan. Nakakasiguro ba tayo? MArami dyan ang may alam ngunit tikom ang labi. Natatakot magsumbong dahil sa imbing Gawain ng ilang pulitiko. Kung sa kampanya pa lamang ay may pagsasamantala na, may pagsuway pa, paano na kaya kung nanalo at nakapawesto na. Higit pa ryan ang kaya nilang gawin. Gawin nating araw-araw ang Semana Santa bilang
paalala na tao ay marupok na tinatawag palagi ng POON upang sumilong muli sa Kanyang Abang Balabal. Mahal Nya tayo. Adios mi amor
ciao, mabalos.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025