Isinagawa ang ikatlong taong pag-uulat ng Philippine Extractive Industries Transparency Initiative (PH-EITI) para sa ulat ng lokal na gobyerno at kompanyang may kaugnayan sa pagkuha ng langis, gas at pagmimina.
“Ang EITI ay pandaigdigang pamantayan ng transparency na nag-aatas sa mga kumpanya ng langis, gas at minahan na i-publish ang kanilang babayaran sa gobyerno; at gobyerno na mag-publish ng kanilang nakolekta mula sa mga kumpanyang ito,” ani Maria Karla L. Espinosa, national coordinator ng PH-EITI.
“Ang inisyatibo ay naglalayong hikayatin ang mga bansa na maging mas malinaw sa pag-uulat ng mga benepisyong kanilang natatanggap mula sa mga likas na yaman ng kanilang bansa. Sa pamamagitan ng pag-publish ng materyal na impormasyon sa mga pagbabayad at mga kita, ang EITI ay naglalayong tugunan ang hindi pangkaraniwang bagay ng panunungayaw na mapagkukunan sa yaman ng pamamaraan ngunit mahihirap na ekonomiya,” aniya.
Ang pagpapatupad ng EITI ay sa bisa ng Executive Order No.79 (2012) at EO No. 147 (2013) na lumikha sa PH-EITI.
Dinaluhan ng Multi-Stakeholder Group mula sa LGUs, kinatawan ng DENR-MGB, NCIP, mining sector, barangays sa rehiyon ng Cordillera ang pagtitipon noong ika-2 ng Agosto sa Newtown Plaza Hotel.
“We do this every year with a forum and a workshop to communicate what we need to the report and also we get feedback from stakeholder so every proceeding every year they are truly reported documented, iniipon talaga namin so that the following year we can report to stakeholder dahil pareho lang yun participation kung sino yun mga LGUs na nag-host sila pa rin yun pumupunta para mai-report rin kung nagkaron ng progress sa implementation sa recommendation o suggestion na binigay nila,” ani Espinosa.
Sinabi ni Mankayan Mayor Materno R. Luspian na hindi pa sila makapagbibigay ng report, “delayed reporting pa ang masasabi ko dahil di pa nakokolekta mula sa company, we should not make a report na received namin kasi wala pa.”
Ikinonsidera naman ng EITI ang pakiusap ni Luspian hanggang wala pa ang report ay isasalang rin ito sa reconciliation report upang mapagtugma ang data na mula sa company at data rin na kinuha sa government para mai-record ng isang independent administrator. ABN
August 6, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025