LA TRINIDAD, Benguet – Patay ang isang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga police operative sa ikinasang buybust operation sa may Barangay Shilan ng bayang ito, ayon sa ulat ng Benguet Provincial Police Office.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, na ang napatay na drug suspek ay si Hilario Viduya Pineda, kabilang sa street level target ng Directorate for Intelligence ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency, at matagal nang sinusubaybayan ang illegal drug operation nito sa Abra, Baguio City, La Trinidad at sa ilang lugar sa Rehiyon 1.
Ayon kay Ragay, unang pinaputukan ng baril ni Pineda ang isa sa mga intelligence operative nang malaman nito na peke ang perang ibinigay sa kanya kapalit ng shabu sa nagpanggap na buyer, noong gabi ng Setyembre 10.
Agad na nakaganti ng putok ang pulis na ikinamatay ng suspek. Ang natamaang pulis ay nakasuot ng bullet proof vest.
Narekober sa crime scene ang isang Spring Field Armory Caliber 45 pistol, apat na fired cartridge case, limang live ammunition, isang colored brown camouflage sling bag na may lamang cellular phone na may sim card, anim na heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang white crystalline substance, anim na pirasong one thousand peso bill, ang motorsiklo na gamit ng suspek, at iba pang kagamitan.
Ikinuwento ni Ragay na si Pineda ay nasangkot na sa iba’t-ibang illegal activity gaya ng theft at robbery noong under 18 years old pa ito at dahil sa menor de edad at walang tirahan ay inalagaan siya ng Women and Children Protection Desk ng Baguio City Police Office at pinag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System sa pag-asang mababago ang buhay nito, subalit nang umalis ito sa pangangalaga ng pulis ay nasangkot ito sa mga illegal drug activity.
Samantala, 11 drug personality naman ang nadakip sa magkakahiwalay na illegal drug operation sa rehiyon sa nakalipas na isang linggo.
Si Amiel Chua Mercado, 24, ng Banggut, Bambang, Nueva Vizcaya ay nasakote sa checkpoint sa harapan mismo ng Lamut MPS Poblacion West, Lamut, Ifugao, bitbit ang apat na elongated form of suspected dried marijuana stalk with leaves at fruiting tops, cling wrapped; tatlong container ng may lamang suspected dried marijuana stalk with leaves and fruiting tops, cling wrapped; at limang container na may lamang suspected dried marijuana seed na nagkakahalaga ng P240,000.00 base sa Dangerous Drug board value.
Nasakote naman ng Baguio City Police Office ang limang drug courier na sina Maricel Soriano, alias Karen, 36, online seller; Limel Nico San Pedro, 32; Angielyn Castañeda Venturina, 25; Charlene Laborete Avellanoza, alias Valdez, 40; at Rizalde Abinsay Osiang, 42, Graphic Designer.
Sa Tabuk City, Kalinga, tatlong shabu dealer ang nadakip at kinilalang sina Reynaldo Viloria Esguerra, 54; Lallaine Dela Cruz Guidangen, 32; at Jeston Talay Gayawet.
Samantala, sina Jerico Millare Pariñas, 23 at Arnold Novida Ynzon, 40, ay nasakote sa Bangued, Abra at La Trinidad, Benguet.
Zaldy Comanda/ABN
September 16, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025