PWD, PINATUNAYAN ANG TAGUMPAY SA PAGGGAWA NG HOLLOW BLOCKS

Ang PWD na si Junnie, habang gumagawa ng hollow blocks sa kabila ng kanyang kapansanan.

Photo by Jon Lloyd Yogyog/ UB Intern/ABN


LA TRINIDAD, Benguet

Pinatunayan ng isang Peron with Dissabilities (PWD) na kaya pa rin niyang magtagumpay sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Junnie Benito, 44, ay masigasig na nagtatrabaho sa paggawa ng hollowblocks sa Barangay Shilan, kung saan nakakagawa siya ng 200 hanggang 300 piraso araw-araw, na may dekalidad at matibay na pagkakagawa. Ipinanganak na may kapansanan sa pagsasalita at pandinig, naging tampulan si Junnie ng diskriminasyon, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang determinasyon. Ayon kay Mark Balsina, amo ni Junnie, “Dati kasi, nagtatrabaho siya sa kuya ko. Pero noong nagsara yong business ng kuya ko, pumunta siya sa akin. Mula noon, hanggang ngayon, dito na siya sa akin.”

Sa kabila ng mga hamon sa komunikasyon, ipinapakita ni Junnie ang kanyang kasipagan at galing sa trabaho. Paliwanag ni Basina,“Halimbawa kasi mag-isa siya dito minsan, tapos biglang may dumating na customer. Pag hindi sila nagkakaintindihan, magtetext siya sa akin. Sabi niya, ‘Kuya, alam ko na yon may customer kaya tatawag ako, ako na lang ang makikipag-usap.’” Si Marinel Navalta, na
kapatid ni Junnie, ay nagbahagi ng kanilang suporta at pagmamalasakit, “Ata sweldo na, nu agawid agmarket met piman then haan ko nga purpursige ng agmarket ta siyempre dayta garud met para iti masakbayan na iti panpanunutek. Actually, agbaybayad ti SSS na dayta and then ada met iti bassit nga in open mi bank account.” Dahil sa kanyang sipag at dedikasyon, pinagkatiwalaan siya ng kanyang amo at mga
kaibigan, at nakapundar na rin siya ng motorsiklo na ginagamit sa trabaho. Ang kwento ni Junnie ay nagsisilbing inspirasyon sa marami na magtagumpay sa kabila ng anumang pagsubok.

Jon Lloyd Yogyog/ UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon