LUNGSOD NG LAOAG – Ang mga quarry operators na naaprubahaan ang mga permit mula sa gobyerno ng Ilocos Norte ay hindi kabilang sa regionwide suspension ng lahat ng quarrying at industrial sand and gravel operations, basta ang mga ito ay sumusunod sa comprehensive quarry ordinance ng lalawigan na naaprubahan kamakailan.
Ito ay inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Provincial Quarry Council (PQC), ayon kay lawyer Erme Labayog.
Matapos ang isang landslide malapit sa quarry site sa Naga City, Cebu na kumitil ng hindi bababa sa 29 katao ay sinuspinde ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa walong rehiyon sa bansa habang isinasagawa ang safety assessment ng mga ito.
Ngunit umapela ang PQC sa environment department sa pamamagitan ni Mines and Geosciences Bureau Regional Director Carlos A. Tayag na huwag isali ang Ilocos Norte, lalo pa at ang mga ilog sa lalawigan ay “heavily silted”.
“If quarry suspension is imposed, it may hinder the flow of water come rainy season. It will pose a greater risk than what we are trying to avoid,” ani Labayog sa kanyang sulat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Setyembre 27.
Idinagdag ni Labayog na nangangailangan ang probinsya ng mas marami pang aggregates para sa agarang pagkumpuni sa mga imprastraktura, kalsada at iba pang pasilidad na napinsala ng bagyong Ompong, kasama na ang nagpapatuloy na construction sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng national government.
Sinabi ng PQC na ngayon ay may 40 permittees o may mga hawak na permits ng commercial sand and gravel sa probinsya at may 20 na karagdagan na nakatakdang ilabas sa lalong madaling panahon.
Sinigurado ng council na mahigpit na ipinapatupad ng probinsya ang iba’t ibang seguridad upang maprotektahan ang kalikasan at ang kapakanan ng mga mamamayan.
Maliban sa pagpasa ng comprehensive quarry ordinance ay ipinagbawal din ng Ilocos Norte ang operasyon ng black sand mining. L.ADRIANO, PNA / ABN
October 8, 2018
October 8, 2018
May 3, 2025
May 3, 2025