RADIO ANCHOR…. PINATAY!

Isa na namang taga-media (brodkaster) ang pinatay kamakailan sa Calamba, Misamis Occidental. Pagka ganitong mga krimen…salasalabat na tanong ang sasambulat. Nangunguna rito ang tanong BAKIT? Salasalabat ding sagot ang kasunod. Dalawa ang pinaka-solidong punto de bista ng mga
imbistigador: dahil sa trabaho o personal. At sa ngalan ng ating propesyon bilang brodkaster o
mamamahayag…gusto nating ibahagi ang ilang paghalukay sa isyung ito:

Ayon sa mga pumasok sa propesyong ito (mediaman), alam nilang sa unang araw pa lamang ng trabahong eto ay literal na nasa hukay na ang isang paa, kahawig na mga serbisyong mapanganib. Ngunit sa buhay ng mga taga-media…masakit tanggapin na ang mapagmamalasakit at makatotohanang pamamahayag at pagsisiwalat ay nagiging mitsa ng buhay. Media kasi ang takbuhan at sandalan ng mga naaapi na walang puwang sa maluhong sosyodad na pinamumugaran ng maraming mapagsamantala.

Media kasi ang maaring magamit ng masa upang ipahayag ang opinyon o saloobin kontra sa mga hindi makataong sitwasyon sa isang komunida, mapa-pribado man o gobyerno. Kadalasan kaysa
hindi, puna laban sa pamahalaan ang kadalasang naisisiwalat. Kasi nga naman, masa ang apektado sa lisyang pamamalakad ng ano mang antas ng pamahalaan. Kaya ang nagiging kalasag ng mga naaapi ay ang mga nasa media.

Sa pagpaslang kamakailan sa radio-anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker, nasa kainitan ng kanyang programa sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ng dalawang suspect at
pinagbabaril sa ulo. Siya ay nasa live broadcast sa radio station 94.7 Calamba Gold FM nang pinaslang dakong alas 5:30 ng umaga. Dahil dito, bumuo agad ang kapulisan ng Special Investigation Task Group sa silong ng PRO-10 .

Inatasan na rin ng DOJ ang NBI na magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa naganap na krimen. Sa kasalukuyan, apat na anggulo ang nasisilip ng mga otoridad sa motibo ng krimen na
kinabibilangan ng personal na galit, may kinalaman sa trabaho, pulitika kaugnay sa katatapos na barangay election (BSKE) at alitan sa lupa. Sa dagdag na ulat sa nakuhang panayam sa asawa ng biktima, simple lang naman daw ang kanyang programa sa radyo at hindi komentaryo kaya nagtataka ito kung bakit pinatay ang mister.

Nakikipagugnayan na ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security. Iisa lang ang dalangin ng marami: sana matunton at madakip at maparusahan ang mga taong nasa likud ng krimen.
Balikan natin ang mga kuro-kurong lumabas dahil sa pagpaslang kay Anchorman Jumalon. Kung trabaho ang sanhi ng pagpaslang…tiyak may nasaktan sa laman ng kanyang programa. Sa tala ng
mga naunang mga pagpaslang sa mga mamamahayag….personal na pagganti o direktang gustong patahimikin ang biktima upang hindi kumalat ang isiniwalat na isyu.

Sabi nga nila sa Iloko: “adda nasilian ken nagasangan isu nga intumbada”. So, ibig kayang sabihin na ang dalawang pumaslang sa kanila ay maaring may nag-utos? Kung sakaling pulitika ang
dahilan…malayo pa naman ang eleksiyong nasyonal o lokal? Kung alitan naman sa lupa…pwede ring halukayin ito upang makakuha ng punto. Batid nating maraming krimeng naganap dahil sa away sa lupa. Madalas sa mga magkakamaganak ang awayan dahil sa lupa. Buhay nga naman ng mga tagaMedia…masalimuot at mapaghamon.

Sa kasaysayan ng mga nawala na sa propesyong ito…hindi dapat sumuko ang pluma o magtikom
bibig na iwagayway ang pagsulong sa likud ng mga unos sa propesyon at mga hadlang sa sinumpaang adhikaing pangmasa at pangkalahatan. At tapik naman sa mga pumasok sa propesyong ito na ang intention ang magkamal ng salapi at manira ng tao o lipunan, magibang na lang kayo ng trabaho. Hindi natutulog ang katotohanan. Bawat kabulukan…sisingaw at sisingaw. Ang aming pakikiramay sa mga naulila ng biktimang radio-anchor Juan Jumalon. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon