Habang palapit ang halalan (Mayo 12)…Punado ang pagiging makasarili ng ilan sa mga pulitikong tumatakbo para sa halalan 2025. Mga sablay o kapalpakan, ka-imbihan, nagpapatayan. Katunayan, nahahaluan na ng ka-imbihan o pagiging makasarili. Ang puntiryang manalo ang nananaig hindi ang serbisyo publiko. Kaya lagi ang babala ng Comelec upang maiwasan nang karahasan. Kung handa tayo pangseguridad,,,ganun din ang Comelec para na nalalapit na eleksiyon. Katunayan, may mga sinususpende na ang kanilang kandidatura dahil sa mga sablay na patutsada gaya ng nangyari sa NCR kung saan nasampulan ang palpak na pangangampanya ng isang kandidato na hindi iginalang ang mga solo parents at mga PWDs. Tiyak na marami pang election offenses ang magaganap.
Pinakahuli ang naganap sa may Abra kung saan isang barangay chairman at kumakandidatong SB ang pinatay dahil sa mainit na
ratsada-pulitika. Sana hindi namangyayari ang grabeng sabuyan ng putik at sabuyan ng bomba gaya ng nangyari noon sa Plaza Miranda. Hiling administrasyon: respeto o paggalang ang pairalin at iwasan ang madugong pangangampanya, Iisa ang dapat manatiling tulay sa bawat halalan: serbisyo publiko wala ng iba. Kung matagal nang handa sa kanilang ginagawang pambubully ang Tsina sa pagpapatuloy ng
kanilang panggugulo lalo na sa West Phil. Sea, handa rin ang mga bansang kanilang ginugulo upang manangga. Ang Taiwan na gustong muling agawin ng Tsina ay naghahanda. Hindi rin pahuhuli ang Pilipinas na matagal na ring nakaalerto.
Sa huling balita…bibili ang ating bansa ng karagdagang kagamitang pandepensa . Hinihimay na ng kongreso ng US ang plano ng Pilipinas na bumili ng 20 F-16 fighter jet mula sa kanila. Kung matutuloy, ito ay pangalawang fighter aircraft modernization ng PAF pagkatapos ng nakuhang 12 FA-50 aircraft mula sa South Korea sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino. Ang ginagamit ngayon ng ating mga piloto na mga FA-50 ay hindi mga modernong eroplanong pandigma kumpara sa gamit ng Thailand, Malaysia, Indonesia at Singapore. Ang mahalaga ay ang kahusayan ng ating mga piloto kung bakit tayo bibili ng dagdag na armament sa pamamagitan ng planong pagbili ng 20 F-16 sa US. Salamat naman sapagkat nagbigay na ng “green light” ang US sa bentahan.
Ayon sa ulat…$5.58 bilyon ang halaga ng 20F-16 fighter jets. Para sa hinaharap na kahandahan sa pagtatanggol ng ating soberenya ang pagkakagastahang ito. Tiyak na tigas-litid ngayon ang Tsina sa kanilang pagmomonitor sa nagaganap na war games sa ilang lugal sa
Northern at Central Luzon bilang bahagi ng PH-US Balikatan joint military exercises. Ito ang tinaguriang Cope Thunder Philippines na
isasagawa sa Basa Air Base at Clark Air Base sa Pampanga kasama ang Colonel Ernesto Rivera air Base sa Tarlac na tatagal hanggang Abril 18. Magdedeploy ang PAF ng 729 personnel at mga aircraft gaya ng FA-50PH, A-29-B Super Tucano, S-76-A at S701 Black Hawk helicopeters habang ang United States Pacific Air Forces (PACAF) ay 12 F-16 fighter jets at 250 personnel.
Malakihan at malawakang drill ang isasagawa na aasistihan din ng mga kinatawan ng Royal Malaysian Air Force; Royal Thai Air Force; Royal Australian Air Force; Japan Air Defense Force at Indonesian Air Force. Sa madaling salita…ano man ang mangyayari sa seguridad ng bansa kung agawan ng teritoryo ang usapan…handa tayo. Singit na ulat: nakauwi na sa bansa si VP Sara Duterte mula sa The Hague bilang paghahanda sa kanilang depensa para sa kaso ng ama na ang litigasyon ay magsisimula na sa Setyembre 23. Sa kanyang pagdating, mga kaso naman sa impeachment ang kanyang kahaharapin. Tsk tsk…kapag dumarating nga naman ang pagsubok. Hindi lang pahaplos-haplos. Adios mi amor, ciao, mabalos.
April 12, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025