LUNGSOD NG BAGUIO – Ang plano ng RCC Global Inc. na magoperate ng karagdagang electronic bingo (e-bingo) outlets sa lungsod ay hindi na matutuloy.
Sa kaniyang liham sa sangguniang lungsod na may petsang Hunyo 23, 2021 ay inihayag ng kompanya ang kanilang hangarin na umatras sa hiling nito para sa endorsement ng Baguio City Council.
Nauna dito, sa isang 9-5 vote ay ipinasa ng city council ang dalawang magkasunod na resolusyon (Resolution 208-2021 at Resolution 209-2021) na nag-aapruba sa hiling ng kompanya na mag-operate sa Cedar Peak, Mabini St. and at Summer Pines Residences, Km 288 Marcos Highway.
Sa ilalim ng Gaming Site Regulatory Manual of the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), isang requirement sa aplikasyon ng isang gaming site ay isang statement of no objection mula city/municipal council sa pamaamgitan ng isang resolution o siang ordinansa.
Lahat ng ordinansa at resolusyon na isinabats ng konseho ay ipriniprisinta sa city mayor para sa kaniyang approval. Ibinalik ni Mayor Benjamin Magalong ang dalawang resolution sa city council na hingi napirmahan na may isang marginal note na nagsasabing kinakailangan ang isang public consultation.
Bilang pagsunod sa panawagan ng punong ehekutibo ay nagsagawa ang city council ng isang public consultation noong Hunyo 4, 2021.
Nagdahsaan ang mga religious groups, youth organizations, at iba pang concerned citizens sa Baguio Convention Center sa nasabing petsa upang tuligsain ang hakbang na payagan ang mas marami pang e-bingo sites sa lungsod.
Sa 262 kalahok, walang nagsalita na pabor sa mga operasyon ng e-bingo sa lungsod. Pinuna ni Mayor Magalong ang mga proponent sa pagkabigo nito na personal na dumalo sa public consultation upang dinggin ang mga sentimiyento ng mga residente ng Baguio. Sinabi niya na desisyon ng proponent na magpadala ng isang kinatawan ay “isang senyales ng kawalang-respeto sa lokal na gobyerno at mga tao ng Baguio.”
Nakatanggapa ng city council ng mahigit 50 position papers mula sa iba’t-bang organisasyon at mga indibiduwal na matinding tumututol sa hiling ng kompanya at/o lahat ng aktibidad ng pagsusugal sa lungsod.
Dahil sa mga pinakahuling pangyayari ay binawi/pinawalang-bisa/iniurong ng city council ang Resolution 208-2021 at Resolution 209-2021.
(JGH-SP/PMCJr.-ABN)
May 25, 2025
May 25, 2025