Reaksyon ng mga taga-Baguio sa ASEAN hosting, positibo

Maganda ang naging pananaw ng mga residente ng Baguio sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa katatapos na 31st ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Summit at mga kaugnay na pulong.
Ayon kay Raquel Lachica, isang empleyado sa korte, maraming positibong bagay ang maaaring idulot ng katatapos na ASEAN Summit, “seeing how the Philippines has emerged as a very prominent voice not just in the ASEAN but in the whole world as well.”
Bilang Pilipino, ipinagmamalaki niya na si Presidente Rodrigo Duterte ay nakakuha ng lugar para sa Pilipinas sa international community habang itinataguyod ang independent foreign policy.
Pinuri din ni Dr. Reynaldo Bautista, isang negosyante, ang gobyerno sa mapayapa at ligtas na summit upang ang 50th anniversary ng ASEAN ngayong taon ay maging “golden celebration both in substance and form.”
Pinuri din niya ang lahat ng Pilipino na tumulong upang magtagumpay ang Summit.
Sa kabilang banda, tiwala si Police Superintendent Gemma Braganza, deputy chief ng regional headquarters support group, na ang mga benepisyo ng bansa sa pagiging punong-abala ngayong taon sa naganap na ASEAN ay mapupunta sa mga ordinaryong Pilipino, lalong-lalo na sa nagtatrabaho sa ibang bansa.
Aniya, ang pinalakas na samahan ng mga magkakalapit na bansa ay maaaring mangahulugan ng higit pang trabaho sa ibang bansa at higit lalo sa mga local products na ine-export.
Sa parte naman ni Sagada, Mountain Province Mayor James Pooten, binati niya ang bansa sa matagumpay na summit hosting. Ipinahayag din niya ang pag-asang “all gains gained as a result of the summit will trickle down to us living in remote municipalities”. Dagdag nito na “Chinese government would finally respect the decision of the International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) recognizing the Philippines’ sovereignty over the Scarborough Shoal”.
Samantala, naniniwala si James Palicdon, empleyado ng Benguet Electric Cooperative, na nakinabang ang bansa sa mga tuntunin ng turismo at mula sa mga kasunduan na nilagdaan sa ekonomiya at peace and order, sa panahon ng ASEAN Summit. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon