Region 1 Peace and Order council nag-ulat

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Nagdaos ang Regional Peace and Order Council Region 1 (RPOC 1) sa pangunguna I Chairman Gov. Francisco Emmanuel “Pacoy” R. Ortega III ng kanilang FirstQuarter Meeting noong Enero 29, 2020 sa Diego Silang Hall, Provincial Capitol.
Iniulat sa pagpupulong ang 2019 accomplishments ng RPOC 1 sa anti-criminality, anti-illegal drugs at anti insurgency; mga resulta ng iba’t-ibang local government unit (LGU) assessments and audits; at 2020 action plan.

Nakita sa anti-criminality accomplishments para sa 2019 na mula sa total crime incidents na 33,348 noong 2018 ay bumaba ito sa 23,362 noong 2019 katumbas ng 9.986 o 30% pagbaba. Bumaba ang crime incidents ng La Union mula 7,036 noong 2018 sa 2,186 noong 2019.

Kapansin-pansin na accomplishments ay ang matagumpay na pagdaos ng 2019 Midterm National and Local Elections, 30th Southeast Asian Games 2019 Surfing Competition, at Ligtas Paskuhan 2019.

Nagawaran din ang Philippine NationalPolice Regional Office 1 ng Outstanding Regional Community Affairs and Development Division para sa CY 2019.

Sa anti-illegal drugs accomplishments sa Regon 1 ay ipiakita na 1,249 kabuuang operasyon ang isinagawa na amy 19 high impact operations; 1,480 ang arestedo na may 91 high value targets; kabuuang nakumpiskang dangerous drugs na may Dangerous Drugs Board Value na P28,433,980.7685; at 782 illegal drug-related cases ang nahatulan habang 146 na-dismiss.

Ang ulat ay tinulaungan ng advocacy campaigns, harm reduction programs sa pamamagitan ng paglulunsad ng 8 bagong Balay Silungan Reformation Centers sa Regon 1, at Oplan Harabas-Drug Test para sa nga bus companies, at barangay drug clearing programs.

Para sa anti-insurgency accomplishments sa 2019, tampok dito na walang armadong enkuwetro sa Rehiyon 1. May 10,466 Focused Military Operations na isinagawa na may 10,353 na small unit operations. May kabuuang 106 surrenderees at walong baril ang nakuha. Para sa 2020, layon ng council na maideklara ang mga probinsiya ng Pangasinan at Ilocos Norte na Insurgency Free at utusan ang lahat ng provincial governments sa Rehiyon 1 na mag-organisa g kani-kanilanh Provincial Peace Panel sa pamumuno ng gobernador.

Hiniling ni MGen. Lenard T. Agustin, Commander ng 7ID-AFP sa lahat ng gobernador sa himukin ang kanilang barangay captains na makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines sa pag-report ng mga kaso ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa kani-kanilang hurisdiksyon kung saan tumugon ang konseho sa aksiyonna lilikha ng isang resolusyon para makonsidera.

Tampok din sa pagpupulong ang pag-apruba sa RPOC 1 Resolution na nagdedeklara sa probinsiya ng Pangasinan bilang Insurgency free. Ang RPOC 1 Resolution sa kanilang Internal Rules and Procedures ay inadopt din.

Iprinisinta din ang raod clearing issuances at updates bilang pagsunod sa Department of the Interior and Local Government Memorandum Circular No. 2019-121 sa paglilinis ng mga kalsada ng mga iligal na istruktura at konstruksiyon. Assessment at validation sa Region 1 ay ipinakita na 31% ng LGUs ay may low compliance, 38% medium, 22% high, at 9% bumagsak.

Ipinakita sa Audit Results on Peace and Order Council na ang probinsiya ng La Union ay nakakuha ng 100% passing rate sa lahat ng LGUs nito. Para sa Anti-Drug Abuse Council Functionality ay nakakuha ng marka ang probinsiya na 100 na naginttanging probinsiya sa Region 1 na may Ideal Functionality.

CRB-OPG-MPIU/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon