Noong nakaraang linggo lamang, nasamsam na naman ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ng
Cordillera at PDEA ang P145, 950,000.00 halaga ng marijuana mula sa mga taniman sa barangay Butbut Proper, Bugnay, Buscalan, Loccong at Tulgao West sa bayan ng Tinglayan, lalawigan ng
Kalinga. Sa dami ng mga taniman, hindi maaring magpalusot pa ang mga maaring protektor— mula barangay officials hanggang sa munisipyo hanggang sa antas ng panlalawigan— na lingid ang
mga ito sa kanilang nalalaman.
Dahil dito, nararapat na isabatas ang panukalang may legal presumption sino ang importer, financier o protector ng droga. Nagpanukala nun si Rep. Ace Barbers na “presumed guilty upon
apprehension” ang mga “ulo” o protector ng droga na magbibigay sana ng ngipin sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Pumasa sa mababang kapulungan ngunit
hindi na umusad bilang batas. Sa panukala, “legally presumed guilty” ang protector o ulo ng sindikato o kinakasabwat siyang exporter o importer ng droga o mga kumakanlong sa mga ito.
Nakakulong ang akusado habang pinapatunayan niyang mali ang paratang. “Unless proven otherwise, a person who shields, harbors, screens, or facilitates the escape of, or prevents the
arrest, prosecution, or conviction of the importer or exporter is presumed to have knowledge of, or has willfully consented to, the illegal importation or exportation and that he/she used his/her
influencer, power or position,” ayon sa panukalang batas ni Barbers (noon ay HB 7814).
Pagkat, ayon sa HB 7814, “a person found in possession of a purchase order, receipt, bill of lading or similar document related to the importation or exportation of illegal drugs “is, until proven otherwise, presumed to have imported or exported” the illegal substances,” kung walang katunayang walang pagkakasangkot, kulungan ang bagsak kung nasa lugar nang may bentahan, bilihan o delivery ng droga.
Pati may-ari ng mga building o pook kung saan may laboratory ng droga ay mapaparusahan ng 6-12 taong pagkakabilanggo at multang “P500,000-P1 million”. Hindi ba epektibo kaya ang panukala ni Barbers kontra sa “malalaking isda”sa kalakal ng droga?
August 5, 2023
August 5, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024