Mayor Magalong umapela
BAGUIO CITY
Umapela si Mayor Benjamin Magalong sa mga residente na sumasakop sa City Camp Lagoon na iwasan ang pagtatapon ng kanilang mga basura na dumadaloy papunta sa tunnel ng City Camp Lagoon upang maiwasan ang pagbaha sa barangay Lower Rock Quarry, Lourdes Subdivision
Extension at Lower City Camp ito ay matapos na maobserbahan ng lokal na pamahalaan ng lunsod na nagkakaroon ng pagbaha sa nasabiong mga lugar kapag nababarahan ang inlet ng nasabing tunnel sa tuwing lumalakas ang buhos ng ulan.
Samantala sinabi naman ni City Engineer Edgar Victorio Olpindo na nitong mga nakaraang tag –ulan ay naobserbahan nila na maraming basura ang kanilang natanggal mula sa inlet ng tunnel . Aniya “”This has been the perennial problem at the lagoon everytime it rains,”. Nakipagtulungan na rin ang tanggapan ng Baguio City Police Office upang bantayan ang nasabing lugar na kung saan ay tumulong na rin sa isinagawang declogging sa inlet ng tunnel at paglilinis ng nasabing kanal na dumadaloy sa nasabing tunnel.
Ani Magalong “We commend our CEO personnel and barangay officials and volunteers for their hard work in cleaning up the City Camp tunnel metal screen’. Muli nanawagan si Mayor Magalong sa mga residente na iwasan ang pagtatapon ng basura sa nasabing mga kanal upang maiwasan ang pagbara sa inlet ng tunnel ng City Camp Lagoon. Aniya regular naman na hinahakot ng mga basurero ang mga basura sa nasabing mga barangay kung kayat dapat ng iawasan ang pagatatapon ng kanilang mga basura.
Aileen P. Refuerzo/PIO
November 4, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023