Resolusyon laban sa armadong pakikipaglaban nilagdaan ni Magalong

LUNGSOD NG BAGUIO – Nilagdaan ni Mayor Benjamin Magalong ang isang resolusyon ipinasa ng konseho na artikulo ng deklarasyon laban sa armadong pakikipaglaban. Layon ng deklarasyon na suportahan ang layunin ng isang pangmatagalang kapayapaan, partisipasyon ng tao sa pamamahala sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, at ang pagrespeto sa lahat ng uri ng idelohiyang political na napapaloob sa demokratikong balangkas.
Sinasabi sa deklarasyon na: “Baguio City enjoys the blessings of democracy, its citizens have the right to a peaceful community, thus, it will protect its citizens against the evils of armed conflict by reason of ideologies; The Communist Party of the Philippines, the New People’s Army, and the National Democratic Front, its officers and members for as long as they support and advocate armed struggle to overthrow the existing government are declared Persona Non Grata; and the City likewise declares Persona Non Grata to all armed groups that are engaged in terrorist activities”.
Nakasaad sa Resolution No. 42, series of 2020 na, “the Philippines is yet to end the longest armed struggle waged by the CPP, its armed group, the NPA, and its political arm, the NDF, whose objective is to overthrow the existing government system by force”.
Naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order No. 70, series of 2018 na nagtatatag ng whole-of-the-nation approach sa pagkamit ng inclusive at sustainable peace, lumikha ng isang national task force to end local communist armed conflict, at inuutos ang isang balangkas sa pambansang kapayapaan.
Hiniling ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano sa mga lokal na opisyal sa buong bansa na idkelara ang CPP at NPA bilang Persona Non Grata (dikatanggap- tanggap o hindi kanais-nais) upang ipakita ang kanilang suporta sa laban ng gobyerno na tuldukan na ang komunistang pakikipaglaban na umiral sa loob ng 50 taon.
Nanawagan si Sec. Ano ng tulong sa local government uits, ng publiko , at lahat ng iba pang stakeholders na ideklara ang mga komunistang rebelde na di-katanggap-tanggap sa kanilang lugar at siguruhin na walang suporta ang makakarating sa mga rebelde.
Sinabi niya na dapat may isang wholistic approach hindi lamang upang dalhin ang mga komunistang rebelde sa panig ng batas kundi maprotektahan ang mga mamamayan sa kasamaan ng armadong pakikipaglaban sa pagsama sa kanila o maging support base ng armadong kilusan.
 
GK-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon