RESTO PINATAWAN NG SANITATION ORDER DULOT NG FOOD POISONING

BAGUIO CITY

Isang lokal na restawran ang inisyuhan ng City Health Services Office (CHSO) ng sanitation order dahil sa mga
paglabag sa sanitation rules. Inimbestigahan ng Environmental Health and Sanitation Division ng CHSO ang establisyimento na matatagpuan sa kahabaan ng Kisad Road matapos makatanggap ng reklamo ng umano’y food poisoning mula sa isang customer noong Enero 5. Ang mga resulta ng pagsisiyasat ay nagpakita na walang wastong label ng mga pagkain sa mga lugar ng imbakan at refrigerator ng restaurant.

Napag-alaman din na bumagsak sa safe water standard ang inuming tubig na inihain. Agad na inilabas ang isang
kautusan sa kalinisan. Isinailalim sa mahigpit na monitoring sa mga restaurant para matiyak na sumusunod ito sa corrective measures na inirekomenda ng sanitation office. Dahil sa insidente, nagbabala si Mayor Benjamin
Magalong sa mga restaurant at iba pang food establishments laban sa hindi pagsunod sa food safety rules. Matatandaan na iniutos ni Magalong noong holidays season na higpitan ang monitoring sa mga food and water establishments sa kanilang pagsunod sa safety requirements para maiwasan ang pag-ulit ng diarrhea o acute gastroenteritis (AGE) outbreak na naranasan noong nakaraang taon na nakaapekto sa mahigit 2,000 indibidwal.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon