Naaresto ang isang suspek matapos mahuli sa akto ni Barangay Balili kagawad Miranda Bingcola na nagtatapon ng mga sirang Ombok at Pechay sa Balili River sa La Trinidad, Benguet noong Miyerkules, Hulyo 31, 2019. Ang suspek ay lumabag sa Municipal Ordinance No. 53-98 o Solid Waste Management Ordinance. Kasamang nag-monitor si MENRO designate AO-5 Arthur A. Pedro.
Ang suspek (inset) ay maayos na nakipag-usap at hinarap ang kaso na laban sa kanya. Patuloy ang paginspeksyon at monitoring sa naturang lugar na umano’y ginagawang tapunan ng mga nabubulok na gulay. P500 para sa Illegal Disposal of Waste, P500 para sa Untimely Disposal, at may kaukulang P500 para sa Barangay Ordinance on Solid Waste ang multa sa 1st offense na haharapin ng mga lumabag sa mga ordinansang nabanggit.
Mar Oclaman-ABN
August 5, 2019
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025