Nakakagulat ang balita kamakailan: Pinaghahanda na ng AFP ang puwersa neto kapag sinalakay ng China ang Taiwan. Sus maryusep a dadakkel ken babassit! Parang nagkakatotoo na yata ang mga bangungot natin. Puro tayo kuro-kuro at sapantaha. Pero malapit na tayo sa puro. Kung baga sa sugal ng baraha na “lucky nine”…nasa kartada-otso na tayo. Sa sugal na “bente uno”…kartada 20 na tayo. Malapit na tayong mag- ”bingo”, pards. Pero hindi ito biro-biro o sugal lang. Talagang nakaka-maryusep at “santisima”.
Sige kaliskisan natin: Ulat ng pahayagang Ngayon: AFP: Maghanda pag sinalakay ng China ang Taiwan! “Start planning for actions in case there is an invasion of Taiwan. So ie-extend na natin ‘yung (We will extend our sphere of operations because if something happens to Taiwan, inevitably we will be involved,” ganito ang timplada ng mensahe ni Gen. Brawner sa harap ng hanay ng mga miyembro at mga opisyal ng AFP sa Tarlac Northern Command ng AFP. Dagdag pa ng heneral na mangunguna ang AFP sa rescue operations sakaling mangyari ang tinatawag na “worst case scenario” sa Taiwan.
Pinaghahanda na ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang tropa ng militar sakaling tuluyan nang sakupin ng China ang Taiwan! Kaya ginawa ni Gen. Brawner ang pahayag ay dahil nagsagawa ang China ng military exercises sa Taipe na hinihinalang bahagi ng planong pagsakop sa Taiwan na diumano’y matagal na netong pinagplaplanuhan. China sa Taiwan…sa isang sablay o lumagpas lang na missile sa isla ng Taiwa, maaring sa Pilipinas ang bagsak, di ba?
At pag nangyari ito…natural na aangal tayo. Natural ding gaganti ang ‘Pinas, di ba? Apektado ang may 250,000 OFWs sa Taiwan at kung sakaling magkagulo ….kailangang mailikas sa ligtas na lugal. Sabi nga ng marami, pansamantala, habang maypanganib…dapat umuwi muna sila sa ating bansa at babalik na lang kung humupa na ang tensiyon. Tsk tsk..mahirap kasi ang espukulasyon o yong pagbabakasakali . May kasabihan na “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”o yong mas maikling nosyon na “nasa huli ang
pagsisisi”.
Kamakailan din ay naging bisita ng bansa si US defense Chief Pete Hegseth kung saan kanyang sinabi na paiigtingin pa ang pagpigil sa mga mararahas na aksiyon ng China sa West Phil. Sea, depensa sa Indo Pacific Region at maging sa Taiwan. Maaring may nagbabadyang pangyayari na di kanais-nais. Magkaganun mam ang China at Taiwan, higit sa lahat, dalangin ang pinakamalakas ng armas ng Pilipino. Hindi natin nanaisin ang isa pang digmaan subali’t kung di na maiiwasan, ay suporta sa ating sandatahan ang ating magiging kalasag.
Nakakaalarma ang ulat na ito sa gitna ng samu’t saring problema ng Pilipinas. Sa biglaang ratsada kasi, parang bomba-atomikong bumagsak ang kautusan. Isa sa pinaka inaalagan ng ating gobyerno ang panatilihin ang demokrasya at kapayapaan sa West Philippine Sea. CHILLAX lang baga. Kung at sakaling mangyayari ang pinangangambahan, malay natin, bekelengnemen, e, maresolba ang mga problema sa West Philippine Sea. Tulutan mo Panginoon, Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos! Adios mi amor, ciao, mabalos!
April 5, 2025
April 5, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025