SA GITNA NG TRAHEDYA… MAG MALASAKIT!

Habang sinusulat ang espasyong ito….nakaalis na si CARINA at enhance Southwest monsoon na lang o habagat na
etong nararanasan nating malalakas na bugso ng ulan o hangin. Muli, sa tuwing may dumaraang malakas na bagyo sa ating bansa ay nag-iiwan din ng malaking pinsala. TAMA KA PBBM. PINSALA. Epekto ng GLOBAL CLIMATE CHANGE. EPEKTO RIN NG PAGIGING IRRESPONSABLE NATING MAMAMAYAN . Nakakalungkot ano. Andaming Pilipinong nagmamagaling.

Sa oras pala ng bagyo, basang-sisiw din pala na animo’y nanginginig sa lamig at takot. Parang mga asong-ulol na pag binato ay BAHAG DIN PALA ANG BUNTOT AT DUWAG NA DUWAG. Hindi po sa nilalahat, pero kung isa kayo sa mga basing-sisiw or asong-ulol, di ba panggising muli si CARINA? Paramdam? Maraming lugal sa Luzon ang nakaranas ng grabeng pagbaha. Sa Visayas. Sa Mindano. At sa iba pang panig ng mundo. Pagbaha na sanhi ng
malalakas ng pag-ulan. Walang pinipiling lugal.

Walang pinipiling bansa. Tsina. Switzerland. USA, India. Taiwan. Dubai. Iran. Pakistan. At kung saan pa may ulan. Malalakas at matagalang pag-ulan. Sanhi ng hagupit ng kalikasan. Sanhi ng gawa ng tao. May pag-asa ba kayang
magamot ang sugat na ihiniwa natin kay Inang Kalikasan? Meron po. HUWAG LANG IASA SA IBANG TAO. WAG
LANG ISISI SA ISANG TAO. KUNDI sama-sama tayo. Magkaisa sa isang adhikain. Kumilos ng naaayon sa kabutihang-asal at may malasakit. Dear Lord, heal the world.

Hindi naman nagkulang ang gobyerno sa ganitong situwasyon. Tutok ang Malakanyang lalo na sa lahat ng mga pangangailangan sa mga lumikas na residente dahil sa baha at pagkasira ng kanilang mga bahay lalo na sa mga malalapit sa ilog. Ang pansin lang ng Daplis sa ating pagkukompara sa mga evacuations/rescue sa ibang bansa kumpara sa atin: marami pa tayong kakulangan sa RESCUE TECHNIQUES at emergency gadgets gaya ng
mga rubber boats at mga gamit sa paglilikas.

Sa ibayong dagat, high-tech na ang gamit pati na mga rubber boats, amphibians, choppers , matataas na mga firetrucks at behikulong panlikas. Sa tingin ng Daplis ay napansin na rin eto ni PBBM at malamang sa malamang ay magkakaroon ng mga pag-uutos sa mga ahensya ng pamahalaan sa mga darating na araw. Sana magdagdag din tayo ng mga mobile-clinics sa lahat ng probinsiya lalo na sa mga lugal na laging binabayo ng mga bagyo.

Sa mga deklaradong State of Emergency at State of Calamity areas, ipanalangin natin ang kanilang kaligtasan at
lakas na makabalik sa normal sa paglipas ng hagupit ni CARINA. CARINA. Napakalambing na pangalan. Dala mo pala’y hinagpis at pinsala. CARINA. Ikaw pala ay mapaglinlang. Subali’t sa iyong paglisan, sana’y may naiwan ka ring kurot sa puso at tatak sa isipan na laging may bagyong daraan sa buhay.

Kailangan lang nating paghandaan at may lakas na labanan. Goodbye CARINA. Wag ka nang bumalik. At tayo
namang mga mamamayan, ang sabi, laban lang. Kaya natin eto. Maging responsible sana tayo at igalang din an gating mga kapwa. BASURA NYO, ITAPON NYO. Sa tamang paraan po sana. Dahil may kasabihan, KUNG ANO TAPON MO, BALIK DIN SYO. Naawatam? Wen? Wen kunana. Ingat. Adios mi amor, ciao, mabalos.

THE ART OF WAR

Amianan Balita Ngayon