“SAAN PIPUNTA ANG CASINO JUNKET SCAM ISYU?”

Napakainit ang pagsisimula ng isyung casino junket scam sa CAR. Ika nila umabot na ng 200 kataong dumagsa sa NBICordillera upang maghain ng reklamo kontra sa “Team Z casino junket scam” leaders. Ayon sa mga nagrereklamo, tinangay nila Hector Aldwin Liao Pantollana at kapatid nitong Hubert Amiel, magkapatid na Hazen at Hein Carreon Humilde, Mikaela Damasco Ty-Choi at Virginio Casupanan ang multi-bilyong investments mula Baguio, at kung saang lupalop pa ng
Northern at Central Luzon, NCR hanggang Visayas at maging sa Amerika.

Ngunit pasubali nila Pantollana at Humilde, sila man ay nais ang katotohanan sa isyu at hindi yung isang panig lang ng mga nagrereklamo ang pakinggan ng publiko at maging ang otoridad. Tinitiyak nilang haharapin nila ang anumang maisampang pormal na asunto, ngunit hinihingi nila ang patas na pagdinig na dadaan sa “due process”. Hamon nilang kung may patunay ang mga nagaakusang tinangay nila ang mga bilyones papunta sa kanikakilang bulsa, ay susunod sila sa magiging utos ng hukuman pagkatapos ng patas na pandinig.

Ngunit sa kalaunan, ang pagsuong ng reklamo tungo sa husgado ay mababalam ng panahon at proseso. Marahil, aabutin ng dekada ang pagdinig, gaya ng mga nauna nang pagdinig sa kahalintulad na mga tinaguriang “investment scam”. Ang kawawa ay mga maliliit na mga mamamayang naglikom ng pera upang kumita man lamang, ngunit yung mga malalaking taong hindi naman agad nangangailangan ay maaring makapaghintay pa sa pinal na kahihinatnan ng kaso.

Paano kung sa kinalaunan ay lalabas ang malagim na katotohanang, napasa-ibang kamay ang mga tinutukoy na bilyones na investments bukod sa mga inaakusahan? Batirin na ang paglilitis ng kaso sa husgado ay sasandig sa matibay ebidensya lamang.

Amianan Balita Ngayon