BAGUIO CITY
Magiging sentro ng isang aktibidad ng siyudad ng Baguio ang paglulunsad ng Sang-atan Bike Fold Festival na gaganapin sa buwan ng Hunyo. Ang selebrasyon ay naglalayong itaguyod ang Cycle Tourism, Cultural Engagement, at Bikepacking, na angkop sa natatanging terrain ng lungsod at malamig na klima. Pangungunahan ni Asha Villaflor, kilalang eksperto sa Bikepacking, ang nasabing festival na bukas para sa lahat ng edad. Inaasahan ni Villaflor at ng kanyang koponan na mahikayat ang mga tao na tuklasin ang kagandahan ng Baguio City at mga kalapit na lugar gamit ang kanilang mga bisikleta.
Layunin din ng festival na itampok ang iba’t ibang turistang atraksyon hindi lamang sa loob ng siyudad, kundi pati na rin sa mga karatig na bayan, habang ipinakikilala ang mayamang kultura ng rehiyon sa pamamagitan ng mga aktibidad at palaro. Bukod sa mga paligsahan sa pagbibisikleta, magtatampok din ang festival ng iba’t ibang
workshops tungkol sa bike maintenance at mga ruta sa bikepacking. Magkakaroon din ng mga cultural presentations na magpapakita ng tradisyon at sining ng mga taga-Cordillera.
Inaasahang dadagsain ng mga biking enthusiasts at mga turista ang Baguio City upang makibahagi at saksihan ang natatanging kaganapan na ito. Ang Sang-atan Bike Fold Festival ay isang patunay na ang Baguio City ay hindi lamang isang destinasyon para sa malamig na klima at strawberries, kundi isang lungsod na nagtataguyod ng
sustainable at makulay na turismo.
Aaron Chance/UB-Intern
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024