Isang napakalungkot na eksena sa buhay kapag ang kasayahan ay mauuwi sa trahedya. Madalas na may mga ganitong pangyayari. Lalo sa
mga panahong di mo sukat akalaing mangyayari. Nakakapanlumo. Unang-una dahil kahit kailan ay hindi tayo handa sa mga pagsubok. At
kahit nag-iingat din tayo, di natin mataruk kung ano pa ang nasa paligid natin. Isa-isahin natin mga ka-Daplis. Kamakailan naganap sa
NAIA ang masayang paghahatid ng isang mag-ina sa pagbyahe ng kanyang asawa upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa ibayong dagat. Sila’y matamang nasa entrada ng departure area nang nanalasa ang isang SUV.
Patay ang limang taong gulang na batang babae samantalang sugatan ang ina. Nakaligtas ang ama at arestado naman ang suspect na driver. Selenyador daw ang naapakan kaysa preno ayon sa pagsisiyasat ng kapulisan. Wala sa hinagap na may ganitong magaganap. Napakasakit. Una pang aksidente sa SCTEX, pagkakaipit ng mga sasakyan na nagdulot din ng pasakit. Sampu ang naitalang namatay at marami ang sugatan, sanhi ng nanagasang isang bus ng Pangasinan Solid North Transit. Masaya sana pero nauwi din sa trahedya. Ayon sa
PNP…nakaidlip daw saglit ang driver ng bus. Dahil dito sinuspende ng 90-days ang operasyon ng lahat ng kanyang mga units habang ginagawa ang imbestigasyon.
May napaulat ding nagbayad daw ang kompanyang ito ng P200K sa mga biktima pero minaliit ito ng marami. Dahil dito, muling nagmando ang LTFRB na dapat ma-drug test ang lahat ng mga drivers ng naturang kompanya. Napag-alaman ng LTFRB na kahit walang pahinga ang mga drivers ay may mandatong bumiyahe sila. Dito umusad ang panukalang sa bawat bus na malayo ang biyahe, dapat may
dalawang driver o may ka-spare ang nakasalang na driver at hanggang apat na oras lang ang deretsong tuka bawat tsuper. Sana maipatupad ito sa lahat ng SUVs. Kung ating lilingunin ang mga nangyaring aksidente nitong nakalipas na buwan ng Abril…masasabi nating isa ito sa buwan ng taon na may pinaka-maraming insendente.
Hindi lang mga aksidente ng sasakyan kundi iba’t-ibang sakuna. May mga napaulat na nalunod sa ilog at dagat. Mga sunog at nasunugan at kung ano ano pang mga pangyayari. Sabi nga ng mga analista: ang trahedya kung sumipa, parang kidlat sa bilis at tindi. Kahit anong ingat, maswerte ka kung di ka dinaplis ng malas. Ito yata ang sinasabi nilang “guhit ng palad”. Nakapasok na tayo sa panahon ng tag-ulan. Maaring malilimitahan na ang pagpapasyal ng ating mga kababayan. Sana mag-ingat pa rin sa kabila ng pagsasaya. Kasi saan mang dako…nariyan at nakabantay ang mga sakuna. Pagiging alerto ang pinaka-mahalagang armas ng bawa’t isa at isama na rin ang presence
of mind.
Sabi nga ng mga ekspereto: kung isa kang driver, dapat ay nasa wasto kang pag-iisip at wastong kahandaan habang nasa likud ka ng
manibela. Di lang ang iyong buhay ang pahalagahan kundi sampu ng iyong mga dalang pasahero at mga taong maaring madawit sa iyong maling desisyon. Tama rin ang LTO na lalo nilang hihigpitan ang pag-iisyu ng lisensiya at ipatupad ang lahat ng tuntunin upang mabura ang kalakarang-palakasan. Batobato sa langit.
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025