LUNGSOD NG BAGUIO – Isang “School on Wheels” na may kasamang mga laptop, mga printer, at internet connection ang maglalakbay na sa palibot ng mga liblib na lugar sa probinsiya ng Ilocos Norte upang marating ang mga magaaral na nasa ilalim ng kasalukuyang distance learning program ng Department of Education.
Isang donasyon ng unang Gen-owned Energy Development Corporation (EDC), ang kauna-unahang mobile school ng Ilocos Norte ay napaulat na nagkakahalaga ng PhP 1.9 milyon.
Ang EDC ay ang pinakamalaking renewable energy producer sa bansa na nagmamay-ari ng isang 680-ektarya na wind farm sa bayan ng Burgos sa probinsiyang ito.
Sinabi ni Senior education program specialist at acting information officer Valerie Talamayan ng Schools Division ng Ilocos Norte noong Martes na ang school on wheels ay gugulong sa mahirap na marating na mga lugar sa Nueva Era, Carasi, at Vintar kung saan ang koneksiyon ng internet ay nananatiling isang hamon.
“As of now, the office is in the process of planning and preparing the schedule of the school on wheels,” ani Talamayan.
Sinabi ni Deborah Melchor, head ng Corporate Social Responsibility program ng EDC, na ipinagmamalaki ng kompanya ang pagtulong sa mga mag-aaral ng Ilocos Norte na matupad ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng mobile learning na bahagi na ngayon ng new normal education program.
“This is in support of the Provincial Government of Ilocos Norte and the Department of Education’s objective of bringing the school to the remote areas,” aniya.
May 77 pampublikong paaralan sa Rehiyon ng Ilocos ang sumama sa expanded limited face-to-face (F2F) classes na nagsimula noong Pebrero 21. Ang mga paaralan ay karagdagan sa 20 na naunang nagsagawa ng limitadong F2F sa rehiyon bnoong Nobyembre 2021.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
February 26, 2022
February 26, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025