SEN. IMEE MARCOS NAGBIGAY NG FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA COLLEGE STUDENTS NA APEKTADO NG BAYONG “EGAY” SA APAYAO

LUNA, Apayao

Agad na nagsagawa ng financial assistance ang opisina ni Sentor Imee Marcos,para tulungan ang mga estudyante, lalong-lalo na ang mga anak ng magsasaka na nawalan ng mga pananim dulot ng bagyong Egay sa lalawigan ng Apayao. Isinagawa ang pagproseso ng financial assistance sa bayan ng Kabugao at Luna, sa tulong ng provincial government noong Agosto 8. Bawat benepisyaryo ay
tatanggap ng limang libong piso bilang agarang tulong para sa kanilang pangangailangang pang-edukasyon.

Sa unang ulat ng Provincial Office of Agriculture Services (POAS), may kabuuang 11, 229 farmers at fisherfolk ang apektado sa pagkasira sa agrikultura na umaabot sa P546,889,454.66 million, na
kinabibilangan ng rice-corn.high value commercial crops, fisheries at agricultural imprastraktura.
Matatandaang noong Agosto 1, isinailalim sa State of Calamity si Apayao dahil sa tindi ng pagkawasak ni Egay, na nagdulot ng pagkawala ng buhay, pinsala sa imprastraktura at paglilipat
ng mga komunidad, kung saan umaabot na sa P1.2 bilyon ang kabuuang pinsala.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon