Senior citizens, isang araw na namahala sa Baguio

Pinamahalaan ng halos 37 senior citizens ang city hall noong Oktubre 1, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Month.
Sa executive-legislative meeting, umaga ng Lunes, sinabi ni lawyer Betty Lourdes Tabanda, na siyang namuno bilang mayor of the day, na maglalabag siya ng apat na administrative orders, isa na dito ay ang pagsasagawa ng risk assessment sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
“We need to have a re-assessment of the risk areas in the city,” sinabi niya sa mga opisyal ng city hall, kapwa sa regular at senior citizen officials for a day (SCOFAD) tulad niya. “During Typhoon Ompong (Mangkhut), we experienced landslides in areas where there used to be none, and flooding in areas which did not usually have it, and there were also areas we monitored as landslide-prone and flooding-prone in the past but did not have it during the typhoon.”
Gayunpaman, paglilinaw niya, na ang administrative orders na ilalabas sa araw na iyon ay subject to approval ni Mayor Mauricio Domogan.
Pinalitan ni Victorio Afalla si Congressman Mark Go nang isang araw bilang lone district representative.
Pinamunuhan naman ni Andrew Sagandoy ang posisyon ni Vice Mayor Edison Bilog.
Ang mga umupong city council committee chairpersons ay sina: Public Utilities and Transportation-Patricio Evangelista; Women, Social Services and Urban Poor-Felicidad Piquero; Urban Planning, Lands and Housing-Alexander Wasian; Tourism and Special Events-Ma. Fatima Pacis; Education, Culture and Historical Research-Loreto Calderon; Public Protection-Carol Domalsin; Laws-Fe Avila; Market, Trade and Commerce-Reynaldo Villacarlos; Employment Cooperatives and Livelihood-Shirley Arukod; Health and Sanitation-Elsie Godoy; Employment and Government Affairs and Personnel-Wilfredo Mina; Public Works-Alfredo Aberin; Barangay Affairs-Ma. Concepcion Visperas; at Sangguniang Kabataan-Clarita Soriano.
Nagdaos ng sessions ang mga senior citizen upang makakuha ng pag-apruba sa kanilang kaukulang panukala at ordinansa. Noong isang linggo, nabigyan sila ng orientation sa kanilang tungkulin upang ipagbigay-alam sa kanila ang proseso.
Ang iba pang tanggapan na pinamunuhan ng mga nakatatanda ay ang: Accounting Office, City Administrator, Assessor, Auditor, Budget Officer, City Building and Architecture Office, Civil Registry Office, Dep-Ed; Department of Interior and Local Government (DILG-City Field Office), Engineers Office, City Environment and Parks Management Office, General Services Office, Health Services Office, Human Resource and Management Office, Planning and Development Office, City Secretary, City Social Welfare and Development, City Treasurer, at City Veterinary Office.
Sinimulan ang SCOFAD bilang bahagi ng mga aktibidad para sa Elderly Month ng lungsod.
Ang iba pang mga aktibidades ay ang opening program at grand parade, recognition ng Baguio centenarians, awarding ng outstanding senior citizens, a walk for life at games, renewal ng vows ng mag-asawang senior citizens, ‘pista sa nayon’, recognition ng ‘Lakan at Lakambini’, at talent contests na highlight ang indigenous styles ng lyrical poem at song, ang ‘Daniw’.
Ang lahat ng aktibidades ay nakaangkla sa temang “Kilalanin at Parangalan: Tagapagsulong ng Karapatan ng Nakatatanda Tungo sa Lipunang Mapagkalinga.”
Ang Republic Act 10868, na ginawa upang parangalan ang mga senior citizens, at idineklara rin ang unang linggo ng Oktubre bilang Elderly Filipino Week. L. AGOOT, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon