Sex scandal sa 13 anyos, ano ba ito?

Aug 6, 2017

Parang bulkang pumutok ang balita kamakailan hinggil sa diumano’y isang pari o Monsignor ang hinuli at ikinulong pa dahil sa isyu (daw) ng sex scandal. Grabe ang balitang ito dahil marami ang sumakay. Mantakin mong  13-anyos lang na dalagita ang dawit. Ayon sa mga ulat, ibinugaw ito na may kapalit na pera. Ang nagreklamo sa mga otoridad ay mismong ina ng bata. Medyo masalimuot ang mga pangyayari dahil isang alagad ng Diyos ang isinasangkot. Pahahapyawan natin ang ulat na ito pero bato-bato sa langit muna kami.  Sana’y buuin muna ninyong sundan ang espasyong ito bago kayo humusga.

*******

Ayon sa mga nalathalang ulat, nakilala raw ng inirereklamong pari ang 16-anyos na bugaw na siya ring nagpakilala sa kanya sa 13 anyos na dalagita. Pero bago raw sila makapasok sa kanilang destinasyon (baka hotel), nakapagsumbong na ang ina ng dalagita sa pulisya. Ang sumunod, naaresto ang suspect pati ang bugaw. Ang masaklap, sa pagsisiyasat ng Marikina Police, nalaman nilang dalawang beses na umanong nailabas ng pari ang dalagita at sa ikatlong pagkakataon ay nagkaaberya na dahil sa suplong ng ina ng dalagita.  Dagdag pa sa ulat na binayaran diumano ng suspect ang bata ng P2,500 sa kanilang paglabas sa araw na sila’y hinuli.  Ikinulong ang suspect at pansamantalang nakalalaya  kamakailan dahil nakapag-piyansa. At dahil sa naturang iskandalo, sinibak ang suspect bilang pari ng Saint John the Baptist Parish sa Taytay, Rizal, at bilang pangulo ng Cainta Catholic College.

*******

Dahil sa nabulgar na iskandalo, nanganganib daw na matanggal sa pagka-pari ang Monsignor sa oras na mapatunayang nagkasala sa tangkang pang-aabuso sa isang 13 anyos na dalagita. Yan ang paniniyak ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na itinalagang mag-imbestiga sa kaso bilang Judicial Vicar ng National Appelate Matrimonial Tribunal ng CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines).  Ang CBCP-NAMT ay sariling korte ng Simbahang Katoliko na umaasikaso sa mga sexual allegation laban sa mga miyembro nito. Sabi ni Cruz: “I’ll prepare the (pedophilia ) case and then send it to Rome. Vatican will then send the decision to the bishop. It’s up to him if he will divulge it (decision).”

*******

Analysis: marami nang lumabas na ulat at kuro-kuro lalo sa resulta ng imbestigasyon ng pulisya. Ngunit, hindi pa natin naririnig ang panig ng pari. Di ba dapat lang na sumabay din sanang lumabas ang kanyang panig habang bulgar sa publiko ang nangyari?  Ano ang nakuha ng pulisyang impormasyon mula sa nakapiit na pari bago nagpiyansa? Bakit hindi rin siya kinapanayam ng media? Hindi lalabas ang totoo kung ang panig lang ng biktima ang inilalabas. Sabi nga ng ilan: biktima rin ang pari sa ganitong sitwasyon. Una, biktima siya ng tawag ng laman. Ikalawa, biktima siya ng raket ng bugaw.  Hindi lingid sa katotohanan na ang raket ng mga bugaw ay mambiktima at makapag-black-mail sa mga kakagat sa kanilang pain. Wala kayang alam ang ina ng dalagita sa ginagawa ng bugaw sa kanyang anak?  Papaano at bakit naman nagpa-bugaw ang babae?  Nakadalawang date na sila ng pari, bakit may pangatlo pa kung di sila nabuko dahil sa ina? Tsk tsk, dapat laliman pa ng pulisya ang kanilang imbestigasyon ganun din ang CBCP para malaman ang katotohanan. Sa aming panig, wala kaming kinukutya o inuupakan kundi gusto lang natin na malaman ang buong pangyayari upang hindi na dapat maulit at di dapat  tularan. Ulit, bato-bato sa langit. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest