Banat pa Pres. Digong, kontra mga korap sa gobyerno. Marami pa diyan! Yan ang sigaw ng bayan sapul nang tinuhog sunod-sunod ni Pres. Duterte ang mga korap na opisyal ng pamahalaan. Walang malakas sa kanya kung batik ka rin lang sa lipunan. Kahit kumapit ka pa sa kanyang mga kaibigan o kamag-anak, sibak ka rin! Tama lang Apo Digong, larga, huwag mong tigilan para maubos ang mga salot sa bayan. Sila na pinapasahod ng taxpayers sila din pala ang kumukurakot sa ipon ng bayan. Buseettt!
******
Buti na lamang at nagkaroon ng ngipin ang Palasyo. Yan ang may balls, sabi nga nila. Kamay na bakal ang kailangan dahil mga dambuhala na ang mga sumusuwag sa kanyang administrasyon. Ang masakit, pards, ang mga sinibak at pinagresign dahil sa katiwalian ay mga pinagkatiwalaan ng Pangulo kaya sila na-puwesto. Maaaring noong una, mga maamong tupa sila at maayos ang trabaho. Ngunit nang masinagan sila ng sandamukal na papel de kita medyo nagbago ang kartada hanggang sa nasilaw at lumagpak sa tamang asal. Kung noon ay asal alagad at kagalang-galang, unti-unting nag-asal hayop. Mula butiki, naging buwaya ang mga tinamaan ng kakurapan. Ang malaking tanong ay ito: bakit nila ito nagawa sa likod ng tiwala ng Pangulo sa kanila?
******
Kaya nga sila inilagay sa matataas na posisyon dahil may tiwala sa kanila ang pangulo o sa mga taong nagrekomenda. Walang kahina-hinala ang pobreng Digong na siya ay susuwagin, suswapangin at eepotan sa tuktuk. Talagang napakasakit. Sino mang tao ang lalagay sa kinalalagyan ng Pangulo, talagang makakasakal ka ng tao. Kaya ang bulong nila: dapat hindi lang basta tanggal, Sir President, ang gawin sa mga kapal-muks na mga yan kundi kasuhan at pagdusahan ang kanilang ginawa. Mantakin mong ang iniuugnay sa mga kurakot na yan ay hindi lang basta pera! Milyon hanggang bilyones na ang nahalukay na iniuugnay sa kanilang kagagawan. Tanong pa: hindi ba sila takot kay Digong? Alam nila kung papaano magalit ang mama. Ang lalalakas naman ang loob na gagawa pa ng kakurakutan sa bagsik ni Digong?
******
Alam mo pards, kapag pinasok at naghari na ang demonyo sa buhay ng isang tao mas masahol na siya sa demonyong nag-recruit sa kanya. Hindi yan tinatablan ng ano mang takot sakaling mabuko. Kita niyo naman kung papaano kumakambiyo ang mga ito at palalabasing mali ang report. Tigil nga kayo mga… sus ginoo, ang sarap magmura, eh! Nakabulagta na nga at nabulatlat na lahat ang anomalyang ginawa, nagmamalinis pa rin! Meron pa ngang sinibak dahil laging wala sa opisina, laging nasa ibayong dagat. Kaya nang sibakin ng pangulo (deputy commissioner ng BOC) mismong sa harap ng mga empleyado ng BOC sa isang pagtitipon. Eh, nasaan ang sinibak? He he, nasa abroad po! Maryusep! Dapat ngang masibak!
******
Dahil sa takbo ng paglilinis na ginagawa ngayon ng ating Pangulo, natitiyak naming marami pang ulo ang gugulong sa hinaharap. Tiyak marami na ang nasa listahan ng pangulo hinggil sa mga opisyal ng gobyerno na may mga mabibigat na katiwalian lalo na sa kakurakutan. Wala tayong nakitang ganitong political will sa mga nagdaang rehime. Saludo kami Apo Digong. Utasin, este, sipain mo lahat nang walang sinisino-sino. Ubusin sila bago nila masira ang pondasyon ng pag-unlad ng ating bansa. Kudos! Adios mi amor, ciao, mabalos!
June 2, 2018
June 2, 2018
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024