Ang salitang MUSLIM ay wikang arabik na ang ibig sabihin ay sumusuko , tumatalima at sumusunod sa kautosan ng
dakilang lumikha . Marami ang nag-aakala na ang muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na muslim, para po sa inyong kaalaman na , Anomang lahi , kulay , tribo , angkan o pangalan ay hindi ito mga batayan upang ang isang tao ay matawag na muslim. Ang muslim ay nilikha ng allah na SUMUSUNOD , SUMUSUKO , at TUMATALIMA sa kanyang kalooban .
Sa katunayan ay hindi lamang tao ang matatawag na muslim , maging ang lahat ng nilikha ng allah bukod pa sa tao
katulad ng mga ( bituin sa kalangitan , ang araw , at ang hangin , at tubig ) at iba pa ! ay maituturing na muslim ,
sapagka’t silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na ibinigay sa kanila ng taga paglikha sa ating
kalikasan . Halimbawa ay ang araw ay sumisibol sa silangan at lumulubog sa kanluran , hangg’t ang ito ay nananatili sa anyo , galaw at desinyong itinalaga sa kanya subalit siya ay matatawag na MUSLIM dahil sa kanyang pagsunod sa kung ano ang itinalaga sa kanya ng taga paglikha .
Ngunit ang pinaka nakakalungkot dito ay pag naririnig ng karamihan ang salitang MUSLIM ay ang pinaka unang pumapasok sa kanilang isipan ay sila itong mga taga mindanao , terrorista, traydor , matatapang at iba pa, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang mga muslim ay nagmula sa lahat ng mga lahi, nasyunalidad , at kultura sa
buong mundo , mayroon silang ibat-ibang wika , nakasayanan pagkain , pananamit na umaayun sa batas ng islam at
kaugalian , ganunpaman lahat sila ay itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mga muslim …
Sinabi ni propeta muhammad ( sumakanya nawa ang kapayapaan ) “ ang lahat ng sanggol ay isinilang sa kalagayan ng FITRAH ( kadalisayan ) , datapuwat ang kanilang mga magulang ay ginawa silang mga hudyo , o kristiano , o zoroastriano . SINO ANG ALLAH ? si allah ay ang tunay at tanging taga paglikha , wala siyang anak at hindi rin siya
ipinanganak , siya ay walang katulad , ang allah ay hindi lamang diyos ngvisang tribo o pangkat ng tao , bagkus siya
ang tunay na panginoon ng lahat .
Kaya ‘t siya lamang ang karapat dapat sambahin at wala ng iba pa , siya ang nagpadala ng mga sugo upang turoan ng
mga tao sa pagsamba lamang sa kanya , ang ilan sa kanila ay sina , propeta NOAH , ABRAHAM , MOSES , HESUS ,
MUHAMMAD peace be upon them all Pinananatili ng mga muslim na tawagin siya sa pangalan ng allah sapagk’t siya mismo ang nagbigay ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan o rebelasyon na kanyang pinadala sa mga piling propeta Ating mababasa sa banal na qur’an (20:14)
“Katotohanan na ako ang Allah !walang ibang diyos liban sa akin , kaya’t sambahin ako at mag-alay ng palagiang
pagdarasal bilang pag-alaala sa akin “ O allah ! Enable us to see the truth as truth and give us the ability to follow it , and show us the falsehood as falsehood and give us the ability to refrain from it … ameen .
February 24, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024