BAGUIO CITY
Ibinida ng Saint Louis University – Center for Culture and Arts (SLU-CCA) ang iba’t ibang klase ng sayaw gaya ng contemporary dance, ballet, hiphop, jazz, sa ginanap na taunang Dance Festival ng unibersidad,noong Marso 12.
Ang pagdiriwang ay naglalayong ipakita ang talento ng mga mananayaw na estudyante sa komunidad ng SLU at mas maipakita ang likhang sining, kasanayan, pagkamalikhain, at iba’t ibang emosyon na maaaring ipakita sa larangan ng pagsayaw. Sa pagsisimula ng pagdiriwang, nagkaroon muna ng unity dance ang mga kalahok, at pagkatapos nito ay sinundan ito ng invocation at pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas.
Nagbigay ng pambungad na mensahe si Sherwin Santiago, SLU Dance Festival Chairman, na ang pagdiriwang ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi isa itong kaganapan, upang mabigyang plataporma ang mga mananayaw at choreographer sa pagpapakitang-gilas ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa nasabing larangan. “This annual gathering will continue to serve as a platform for showcasing the rich tapestry of Louisian artistry through the medium of dance. Over the past years, the Arts Festival, particularly the Dance Festival, has transcended to a mere competition. It has evolved into a sacred space for dancers, choreographers, and artists to express their creativity and excellence. We are not here just to compete, we are here because we belong,” pahayag ni Santiago.
Sa paglipas ng mga taon, ang kaganapang ito ay nagbago mula sa isang simpleng kumpetisyon sa isang plataporma para ipakita ang mayamang kultura at pagkamalikhain ng mga Louisian sa larangan ng pagsayaw, at ngayon, ito ay naging isang lugar ng mga mananayaw, choreographer, at mga artista ay maaaring magtipon, upang ibahagi ang kanilang pagmamahal sa sayaw at ipagdiwang ang kanilang mga kolektibong tagumpay. Ang Dance Festival ay nagtatampok ng iba't ibang kategorya, na nagpapakita ng iba’t ibang estilo ng sayaw, kung saan ang mga
pagtatanghal ay mistulang kaakit-akit, at ang antas ng talento na ipinakita ay talaga nga namang kahanga-hanga.
Bukod dito, ang pista ay may mga pagtatanghal ng Latin Ballroom Formation at Standard Ballroom Formation na nagpapakita ng iba’t ibang estillo, kagandahan, at katumpakan ng mga anyo ng sayaw. Hinangaan din sila mga tagapanood dahil sa angkin nilang kagalingan at galing sa pag-indak ng sayaw. Sa kabuuan, ang SLU Dance Festival ay isang natatanging kaganapan na nagpakita ng pinakamahusay na talento ng mga Louisian sa larangan ng pagsayaw at ito’y isang patotoo sa pag-aalay at pagsisikap ng mga kalahok at ng mga tagapag-ayos, at ito’y nag-iwan ng magandang impresyon sa lahat ng dumalo.
By: Almira Mia P. Marasigan/UB-Intern
March 21, 2024
March 21, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 25, 2024
September 24, 2024
September 18, 2024